⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXXIX
“ZEPH, Huwag tumakbo ng mabilis, baka madapa ka!” paalala ni Airleya kay Zephyr, na hindi nakinig sa sinabi nito.Patuloy parin ang pagtakbo nito, habang hinahabol ng bata si Icarus, ang baby dragon na iniregalo ni Andaru kay Kaan.
Biglaang bumisita si Kaan, sa mansion ng Briarlaine kung saan sinama nito si Icarus, na panay ang lipad para lang hindi mahuli ni Zephyr.
Matapos makawala ang kalaban na nakita ni Kaan, nitong isang araw, naging mailap sa kanila ang iba pang mga kalaban.
“So, ano ang pinunta mo rito, Kaan?” tanong ni Airleya kay Kaan, habang nakatitig sila kay Zephyr na panay parin ang takbo sa hallway, may pagkakataong umiikot ito ng takbo sa tuwing umiikot ang lipad ni Icarus.
“About the Gods ” bumaling si Airleya, habang patuloy parin silang naglalakad ni Kaan, patungo sa gazebo.
“Bakit, may napansin ka bang kakaiba? O kaisapan na nag-aabala sa iyo?” sunod -sunod na tanong ni Airleya kay Kaan.
Huminga ng malalim si Kaan, at napahulot sa batok, saka bumaling kay Airleya.
“I think. . . Hindi lang anim ang diyos o pito. Isama na natin ang Theiranmana.” saad ni Kaan.
“Hindi lang sila pito, kundi ilan, Kaan?” tanong ni Airleya.
“If there's, God of Destruction, posibleng may God of War, Death, Thunder, Life, Peace, Love, and so forth. . .” sabay napatigil sa paglalakad ang dalawa, at naka-angat ang mukha ni Airleya na matiim na nakatitig kay Kaan.
“Saan mo napulot ang teoryang iyan?” seryusong tanong ni Airleya kay Kaan.
“Theology book, lahat ng volume binasa ko lahat. At sa bawat libro may mga malalalim na misteryong bumabalot. At libro tungkol sa limang diyos, ang diyos na pinababa ng Theiranmana para ipalaganap sa kanyang nilikha sa buong mundo na kanyang ginawa ang tungkol sa kanya. There's something na hindi ko maipaliwanag.” sagot ni Kaan, na napahilot sa sintido nito.
Hinawakan ni Airleya, ang braso ni Kaan. “Ayos ka lang? Hindi ka ba natulog?” nag-aalalang tanong ni Airleya kay Kaan, na halatang wala pa itong pahinga.
“I can't sleep. Ganito lang talaga ako kapag may bumabagabag sa isip ko.” sagot ni Kaan, at ng makarating sila sa Gazebo, sakto naman na dumating si Sir Exter, kasama ang tatlong katulong na may dalang mga pagkain para sa kanila.
At nang makaalis ang tatlong katulong, nag patuloy ang usapan nila, kasama si sir Exter.
“Ayos ka lang, Kaan?” nag-aalalang tanong ni Sir Exter, na parang lumala pa yata ang nararamdaman ni Kaan sa mga oras na iyon.
“He needs rest. Magpahinga ka muna rito bago ka umuwi.” wika naman ni Airleya, na hinahagod ang likod ni Kaan.
Pero patuloy ang pasakit ng ulo ni Kaan, hanggang sa nawalan ito ng malay.
“Kumusta siya? May nakita o napansin ka bang kakaiba sa kanya?” tanong ni Airleya, na sobrang alala na kay Kaan.
Matapos mawalan ng malay ni Kaan, sa Gazebo, kaagad siyang nagpadala ng signal kay Willow para pumunta sa Briairlaine at kaagad naman itong pumunta.
“Wala naman siyang sakit. At wala namang kakaiba sa katawan niya. Bukod sa over fatigue.” wika ni Willow, na may kaalaman na sa panggagamot kahit hindi na nito gamitin ang kapangyarihan niya.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...