⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Special Chapter II
“SURE KA na hindi ka nag seselos?” Tanong ni Silver kay Willow, na grabe ang pagpapanggap na walang epekto sa kanya ang narinig na tsismis tungkol kay Kaan at sa opera singer na isang princesa ng Etrill na nagtanghal rito sa Agracia noong isang buwan pero nanatili ng dalawang buwan sa Agracia ang sikat na opera singer na si Princess Gracel.
Umiling ng ulo si Willow, at mata sa mata na nakipagtitigan ito kay Silver na alam niyang sinusuri siya kung naapektuhan siya sa dating issue raw ni Kaan sa Prinsesang ito.
“Matagal na kaming wala. Kaya wala narin sa akin ang mga issue na iyan.” sagot ni Willow.
Tumango tango ng ulo si Silver na kunwari naman ay nadala sa aktingan ni Willow.
“Okay, sabi mo eh. Oh! Si Kaan!” biglang sambit ni Silver sabay turo sa likuran ni Willow, kaagad naman lumingon si Willow sa likuran niya at nang wala siyang makita na Kaan doon niya napagtanto na naisahan na naman siya ng kaibigan.
“Hahaha! At sinong kaibigan mo naman ang maniniwala sa iyo na move on kana kay Kaan? Akting pa more ha. Buti wala si Airleya dito.” natatawang sambit ni Silver na may pang-aasar sa boses nito.
Imbes na atakihin si Silver, nanatiling kalmado si Willow pero hindi niya napigilan na itirik ang mga mata kay Silver na mas lalong lumakas ang halakhak nito.
“Bakit ba kasi ang kitid ng utak mo Willow? Pag-intindi lang ang kailangan ni Kaan. Hindi lahat ng oras o buong araw niya sa iyo iikot ang buhay niya. Alam mo naman seguro na noble blood siya.” ani Silver, na pinapaintindi ang sitwasyon ni Kaan.
“Kaya nga hiniwalayan ko kasi mali na ako.” sagot ni Willow sabay tayo sa kinauupuan niya
“Oh? Saan kapupunta?” Tanong ni Silver.
“Mag hahanap ng lalaki. Para maka-move on.” Ani Willow, aalis na sana ito ng tumigil ang mga paa niya sa paghakbang at lumingon kay Silver.
“Kumusta kayo ni kuya Ossian?” tanong ni Willow.
Umayos ng upo si Silver at ngumiti. “Stay strong lang kami. Maingit ka.”
“Whatever!” ani Willow at iniwam mag-isa si Silver sa isang café shop
“Where are you going?” tanong ni Kaan kay Willow, ng makita niya itong lumabas ng Café.
Nilingon ni Willow si Kaan. “Sa puso mo.” pabalang na sagot ni Willow, kay Kaan na kaagad na sumalu ang kilay nito.
“Ayusin mo nga.”
“Maghahanap ng lalaki. Ano? Matino na ba ang sagot ko?” tanong ni Willow sa mataray nitong boses, hindi na nito hinayaan pang hintayin si Kaan na sumagot. Kaagad na ito umalis at iniwan na naka-tayo sa labas ng cafe si Kaan.
“Oy, Kaan, nandito ka?” wika ni Silver na kakalabas lang ng café at agad na nakita si Kaan sa pinto.
Imbes na sagutin ni Kaan si Silver, inirapan niya lang ito at sinundan si Willow.
“Anyare sa mga yun?” tanong ni Silver sa sarili at hindi napigilan na kalutin ang ulo niya.
Walang emosyon ang mukha ni Willow habang naglalakad ito sa kalye ng Plaza.
“Willow!” imbes na tumigil sa paglalakad, nagpatuloy si Willow sa paglalakad. Alam niyang si Kaan ang tumawag sa kanya.
“Willow!”
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...