VIII

8.2K 260 36
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter VIII

BAGOT NA tinitigan ni Airleya ang bonsai na kanyang diniligan ng tsaa na hindi niya na maalala kung kailan niya ba iyon nagawa.

Wala ng buhay ang bonsai, na nasa terrace ng kwarto niya. Wala ng dahon na makikita.

Hindi napigilan ni Airleya na tumawa ng payak, “Good thing, hindi ko ininom ang tsaa. Dapat pala akong sumunod sa kutob ko.”saad ni Airleya sa sarili bago niya iniwan ang bonsai at lumabas sa silid niya.

At dinala siya ng mga paa niya sa dalawa niyang knights na sina sir Exter at  sir Ceasar. Nakaupo siya sa piknik table at nakangalumbaba na pinapanood si sir Exter na nag-ku-kuwento sa dinanas nila sa labanan, laban sa mga halimaw at mga kalaban na gustong gumawa ng gulo sa emperyo.

Para lang siyang nanunuod ng drama sa TV. Minsan ay hindi niya maiwasang matawa sa tuwing sumasali si sir Ceasar.

“Sir Exter, may asawa na po ba kayo?” hindi napigilang tanong ni Airleya kay sir Exter dahilan para maibuga ni sir Ceasar ang ininom nitong tubig, at mabilis na humingi ng patawad sa ginawa.

“Wala pa. Single but not ready to mingle.” ani sir Exter. Hindi alam kung nagbibiro ito o seryuso sa sagot niya. May pabirong tono siyang narinig sa boses ni sir Exter pero ang emosyon ng mukha nito ng sinasabi ni sir Exter ang mga katagang iyon ay seryuso.

“Oh? Akala ko may asawa kana. Wala ka po bang balak na mag-asawa? Kayo ni sir Ceasar? Di po ba ikaw ang mas matanda sa inyong tatlo?” tanong ni Airleya na gustong alamin ang buhay pag-ibig ng dalawa niyang kabalyero.

Mabilis na tinuro ni sir Exter si Ceasar. “Siya, lady Airleya ang mas matanda. 30 pa lang ako 32 na siya.” anito.

“Oh? Akala ko ikaw, mas matanda ka kasi tingnan kaysa kay sir Ceasar. Baby face si sir Ceasar, na iisipin mong mga 25 years pa lang siya.”

Namula ang pisngi ni sir Ceasar sa sinabi ni Airleya, samantala si sir Exter naman ay hindi makapaniwala na mas matanda pa siya tignan kaysa sa mas nakakatanda sa kanya.

“Bumawi ka naman sir Exter, sa ka-gwapuhan. I mean, kayong tatlo may gwapong mukha. Sadyang baby face lang si sir Ceasar. Saka yung awrahan ng face mo sir Exter, pang possessive series, so alluring.” ani Airleya.

Napakurap ng ilang beses ang dalawa lalaki kay Airleya.

“possessive series? Ano yun?” gagad ni sir Ceasar.

Tumawa ng malakas si Airleya, dahil naalala niya ang binabasa noon, noong nasa tunay pa siyang mundo. Hindi niya inaasahan na masasabi niya iyon sa dalawa.

Bigla sumagi sa isip niya kung ano na ang sunod na nangyari sa story ni Terron Dashwood, ngayon nasa ibang mundo siya.

“Ah! Na-curious tuloy ako kung anong ganap sa story ni Terron.”

Umiling si Airleye, na tawang tawa, na tanging siya lang nakakaintindi ng sinabi niya. Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki, saka hinayaan ang binibini nila na tumawa hanggang sa matapos ito.

“K-kalimutan niyo na ang sinabi ko ha? Hehehe.” aniya na natatawa parin, habang nakatitig sa gwapong mukha ni Exter.

“Mukhang nakakatawa yata ang mukha ko lady Airleya para matawa ka ng ganyan?” sambit ni sir Exter.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon