⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.
Chapter VII
“SORRY IM LATE!” Paghihingi ng paumanhin ni Airleya, ng mahuli siya ng dating sa dining hall. Naroon na ang lahat maliban sa kanya.“Papa, for you.” ani Airleya, sabay bigay sa ama niya ng cookie jar na binili niya sa dating café shop na binilhan niya. Kaagad naman iyon tinanggap ni Count Ralphus at ngumiti.
Kanina ay nag-alala siya sa kanyang anak na baka iwan siya nito lalo pa't takipsilim na pero wala pa ito. Pero ng makita na bumukas ang pinto at may bitbit na cookie jar ang anak niya. Napahinga siya ng maluwag.
“Thank you ”
Kaagad na umupo si Aileya sa upuan nito, at hindi napigilan na lingunin ang tatlong babae na nakatitig sa kanya.
“What? Gusto niyo din ng cookies? Sorry pero si Papa lang ang binilhan ko.” saad niya, dahilan para unang kumalas ng tingin ang tatlong babae sa kanya. Sunod niya tinitigan si Rune na nakatitig din sa kanya. Nasa kabilang upuan ito na medyo katapat niya.
“Do you need something, brother?” tanong niya. Na para bang walang may nangyari kagabi na takutan sa kanilang dalawa.
Habang kumakain, kinuha ni Airleya ang atensiyon ng papa niya, pati ang madrasta at mga anak nito ay napalingon sa kanya.
“Nasa puder na po pala ni lolo si Kaan Elame, gagawin siya ni lolo na scholar. ” pagpapaalam niya. Baka kasi hanapin ng ama niya si Kaan.
“Siya ang tinutukoy mo kagabi.”
Tumango ng ulo si Airleya. “Dahil siya ang magpapa-aral kay Kaan, gusto niyang manatili si Kaan sa mansion niya para turuan ng etiquette, bago niya i-enroll si Kaan sa pangalan niya sa Imperial Academy. Sorry, papa kung biglaan ang nangyari.” wika ni Airleya.
Iminuwestra lang ng Count ang kamay nito. “It's fine.”
“Talaga po? Mabuti naman.”
“Um, Airleya bakit ka pala ginabi?” tanong ni Rune na kunwari ay ayos sila
“Namasyal lang sa bayan pagkatapos bisitahin sina lolo't lola.” sagot niya na pawang katotohanan. Maliban lamang sa part na nag hanap siya ng mga myembro na ipapasok niya sa kanyang negosyo na bubuoin.
Wala pa siyang balak na ipaalam sa lahat lalo na sa ama ang pinaplano niyang pag-nenegosyo.
“Namasyal, na hindi mo namalayan nang oras?” dagdag pang sambit ni Rune na ramdam niyang inuusisa siya.
“Bakit bawal ba akong gabihin? Kasama ko naman sina sir Exter at sir Ceasar.” sagot niya pabalik. Ayaw niyang magpatalo. Lumingon siya sa kanyang ama.
“Galit po ba kayo papa? Hindi ko na po ulit gagawin ang magpagabi kung lalabas ulit ako ng bahay.” aniya sa ama na mabilis na umiling.
“No it's okay Leya. Basta't kasama mo sina sir Exter at sir Ceasar kung lalabas ka ng mansion.” saad naman ng ama niya na ikinahinga niya ng maluwag.
“Copy sir!” saludong sambit ni Airleya, na ikinailing ng ulo ng Count.
Nakataas naman ang kilay ng dalawa niyang stepsisters. Tahimik pang ito na para bang hindi maka-basag pinggan ang ugali.
“Daddy.” tawag ni Charlestina sa Count.
Naibuga na lamang ni Airleya, ang iniinom niyang tubig dahil sa pagpapa-cute ng boses ni Charlestina na halatang may kailangan sa ama niya.
“Leya, ayos ka lang?” tanong ng ama niya na may pag-aalala sa boses nito.
Mahinang umubo si Airleya “I'm fine po.”
Masamang titig ang ipinukol nina Charlestina at Mavietta kay Airleya, pakiramdam nila ay pinipigilan sila ni Airleya na makausap ang Daddy nila.
“Ano yun Charlestina?” tanong ng Count ng makitang ayos ang anak.
“Daddy I want pink diamond necklace, pwede po ba niyo akong bilhan o pagawan? Gusto kong ipares sa susuotin kong damit sa nalalapit na kaarawan ng first prince. Kulay dark brown ang damit ko and for sure bagay na bagay ang pink diamond sa damit—” hindi natuloy ni Charlestina ang buo niyang sasabihin ng biglang tumawa si Airleya.
Mahina lang na tawa iyon, habang nakatakip ang palad niya sa kanyang bibig. Nang mapansin nito na sa kanya ang atensiyon ng lahat.
“Pardon me!” aniya sabay lingon kay Charlestina.
“Seriously sis? Pink diamond for your dark brown dress? Ano ka puno na may pink na dahon?” aniya, na pinipigilan ang sarili tumawa ng malakas. Sa imahinasyon ni Airleya parang bagay naman na ang pink ay ipares sa dark brown, pero habang patagal ng patagal na ini-imagine ni Airleya iyon. . .
Namula si Charlestina sa itinuran sa kanya ni Airleya. Para kay Charlestina maganda tignan na ipares ang pink sa brown. Pero para naman kay Airleya, sobrang pangit tingnan iyon kahit sa imagination pa lang napapangitan na siya.
“I'm agree with your sister, Charlestina. Yellow diamond parang bagay pa iyon sa susuotin mo.” suhistiyon ng Count.
Sumang-ayon naman si Airleya.“Hyderabadi necklace made of yellow diamond bagay sa damit na susuotin.” wika ni Airleya, na alam kung ano ang susuotin ng mga tao na narito maliban sa ama niya. Nakita niya rin ang damit na iginuhit ni Lady Fela sa sketch book nito para kay Charlestina, at hindi niya makakailang bagay iyon kay Charlestina.
Hindi naka-imik si Charlestina, inis na inis siya kay Airleya dahil pinapanguhan siya nito lalo pa't kakampi ng Airleya ang Daddy niya. Kahit ayaw niya sa yellow. Wala siyang nagawa kundi umoo. Favorite color niya kasi ang pink at brown.
“. . .okay kung, bagay naman sa akin. Sege yellow diamond na lang po sa akin.” napipilitan niyang sagot sa Daddy, na ikinataas ng kanang kilay ni Airleya, habang hinihiwa ang steak.
Nang makapasok si Airleya sa kanya, napatigil siya at nilibot ang buong silid niya ng kanyang titig ng makitang gulong-gulo ang kwarto niya.
Halatang may hinahanap ang pumasok, para maging ganito ang itsura ng silid niya.
“Agh! For sure, ang diamond necklace ang hinanap ng kung sino mang magnanakaw ang pumasok dito.” wala sa sarili niyang sambit sa kanyang sarili.
Ayaw niyang pumasok sa secret room, ramdam niya na may nakamasid sa kanya sa malapitan. Kailangan niyang protektahan ang blue diamond necklace ng Mama niya.
Lumingon si Airleya sa malaking pinto ng terrace, at pasimpleng nag bitaw ng salita para iyong spell. “If I hiss like a cat the wind will blow.” sambit niya saka kinontrol iyon patungo sa nakamasid na tao na nagtatago sa sanga ng puno na nasa tapat ng terrace nang silid niya. At dahil doon ay nahulog ang tao na naroon, na kaagad ay kumaripas ng takbo.
“tsh. Alagad lang pala ni Madrasta.” sambit niya sa kanyang sarili, bago niya isinara at ni-lock ang pinto ng terrace naisipang maligo bago siya matulog.
________________________________________
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...