Chapter XV
NANLAKI ANG MGA MATA nina Airleya at Kaan sa balitang ibinahagi ng Baron.
Nasa loob sila ng silid ni Kaan, na ngayo'y maayos na ang kalagayan matapos siyang suriin ng doktor upang tiyaking wala siyang naging komplikasyon mula sa gamot na nainom niya. Labis ang naging pasasalamat ng lolo at lola ni Airleya nang makumpirmang ligtas na siya.
Nakasandal si Kaan sa headboard ng kama, habang nakaupo naman sa gilid nito ang Baron.
"A-Ampon? W-Whitlock?" naguguluhang usal ni Kaan.
Hindi pa rin niya lubos na maiproseso ang mga katagang narinig.
Samantala, nanatiling nakatayo si Airleya sa likuran ng kaniyang lola na nakaupo sa isang silya. Ilang sandali siyang natigilan bago tuluyang magsink in ang sinabi ng kaniyang lolo.
Maya-maya'y lumiwanag ang kaniyang mukha.
"Woah!"
Napapalakpak siya habang nakabuka pa rin ang bibig sa gulat.
"Hindi ko akalaing aabot tayo sa ganito, Lo! Kagabi lang sinabi mong gusto mong si Kaan ang maging tagapagmana mo. Tapos ngayon..." napailing siya habang natatawa. "Sasabihin mo sa amin na na-file mo na pala ang adoption papers? At ang malupit pa roon, tapos na ang lahat! Legal na anak n'yo na siya bago mo pa siya nasabihan."
Napailing siya habang nakangiti.
"You didn't even tell Kaan what you were planning to do. Ang advance mo talagang mag-isip, Lo. Ano pa bang mga naka-advance sa isip mo?"
Napailing si Lady Sol sa pagiging palabiro ng apo.
"Tagapagmana?"
Palipat-lipat ang tingin ni Kaan sa Baron at kay Airleya.
"Hindi ko... hindi ko maintindihan ang nangyayari."
Huminga nang malalim si Lady Sol bago siya nagsalita.
"Pasensya ka na, Kaan. Hindi namin agad nasabi sa'yo ang naging desisyon namin ng lolo mo."
Kasabay noon ay pinandilatan niya ang Baron, na tila ipinagmamalaki pa ang kaniyang sorpresa.
"Pero tama ang narinig mo. Nag-file kami ng adoption para legal ka naming maging anak. Ayaw ka naming pakawalan."
Ngumiti siya nang may pagmamahal.
"Napamahal ka na sa amin. Para ka na naming tunay na anak."
"Because I won't be able to play chess if I let you go."
Agad na napalingon si Lady Sol sa asawa.
"Bozi."
Mapanganib ang ngiti niya.
"Fix that answer... unless gusto mong itulak kita pababa ng terrace."
Napakagat na lamang si Airleya sa labi upang pigilan ang sariling matawa.
Nagtaas ng dalawang kamay ang Baron bilang pagsuko.
"Fine."
Bahagyang naging seryoso ang kaniyang ekspresyon.
"We adopted you because you're already family to us."
Napayuko si Kaan.
"Hindi ko alam kung bakit n'yo napagdesisyunang ampunin ako... lalo na ang gawin akong tagapagmana sa loob lang ng isang iglap."
Unti-unti siyang tumingala.
"Masaya ako... dahil sa unang pagkakataon, may tumanggap sa akin bilang pamilya."
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she surrendered her body to a woman from another world. That woman assumed her place as Airleya, daughter of a Count-a life most could only dream of. Yet what awaits this new Airleya? Will she find joy in this unfamili...
