⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XX
MALAKAS NA pumalakpak si Airleya, nang makita niya kung paano talunin ni Silver, ang tatlong Silverio knights.“ Excellent!”
Napalabi ang panganay na anak ng Duke na si Gelal. Gusto nitong matawa dahil sa ugali na pinapakita ni Airleya sa kanila. Ilang linggo na itong parating dumadalaw sa kanila, at wala ni hiya-hiyang pinapakita ang maganda at pangit nitong ugali na nagustuhan naman ng pamilyang Silverio.
Lumapit si Silver kay Airleya, hawak ang ice sword nito na gawa sa sariling kapangyarihan nito. May kakayahan kasi si Silver na gumawa ng sarili nitong sandata gamit lamang ang kapangyarihan niya.
Bago pa man dumapo ang talim ng ice sword ni Silver kay Airleya, qy kaagad na iyon sinalag ng kaluban nang espada ni Airleya na may ngiti pa sa mukha nang makita na naghahamon si Silver na nakipag-sparring.
Hindi kalakasan na itinulak ni Airleya ang yelong espada ni Silver, dahilan para mapaatras ng tatlong beses si Silver. Saka naman inilabas ni Airleya ang espada sa kaluban nito. Hawak ng kanang kamay ni Airleya ang espada at sa kaliwang kamay naman ay ang kaluban nito.
Nagsimulang nag-sparring ang dalawang babae. Na hindi nila napansin na dumating ang Duke kasama ang ama ni Airleya na si Count Ralphus na sumama sa anak nito para bumisita sa Duke.
“Ikaw ba ang nagturo sa anak mo gumamamit ng espada?” hindi napigilang tanong ng Duke sa Count na nakatitig sa mga anak nila na naglalaban.
“Ang tatlong knight ang nagturo sa kanya.” sagot ng Count na hindi nalihis ang titig sa anak nito na nagpapakitang gilas sa marami.
Bago pa man makapagsalita si Count Ralphus, dumating ang butler ng Duke na si sir Jazon, at may binulong ito dahilan para malaman niya kung ano ang ibinulong ni sir Jazon.
“Parati bang umaalis ang pangalawa mong anak?” tanong ng Count na ang tinutukoy nito ay si Killian.
“Yes. Hindi yun mapakali na hindi lumalabas ng bahay. Gusto parati ang lumabas.” sagot ng Duke.
Bumaling ang Duke sa panganay nito na nakaupo sa damuhan na katabi lang nila na nakatayo. Nakatuon ang buong atensyon nito sa dalawang babae na naglalaban.
“Gelal, wala ka ba talagang balak na silipin ang labas?” tanong ng Duke sa panganay niya na kailanman ay hindi nag-isip na lumabas.
“For what, dad? Tinatamad ako. Pakiramdam ko ay sa oras makasalamuha ako ng maraming tao mauubos ang social energy ko. Si Killian na lang kasi. Explorer yun. Alam lahat kung ano ang nangyayari sa Agracia.” ani Gelal, na may halong reklamo na ayaw talaga nitong makuha ang trono bilang Duke. Pero wala na talaga itong kawala dahil buo na ang desisyon ng Duke na ang panganay niya ang magiging sunod na Duke ng Agracia.
Huminga ng malalim ang Duke at napailing na lamang.
Matapos ang tatlong oras na sparring nang dalawang babae. Doon lamang sila pinatigil ng kanilang mga ama para magpahinga. Wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo. Parehas silang competitive.
Hindi napigilan ni Gelal na hindi mapahawak sa kanyang sintindo habang napapailing ng ulo ng makita na naman niyang nagpatuloy sa paglalaban ang dalawa, na kahit may mga sugat na mga katawan nang dalawang babae ay wala parin talaga gustong magpatalo.
“Dad, tama ba ang desisyon natin na turuan si Silver, na makipaglaban? Look.” aniya, sabay turo sa dalawa na halata sa mga mukha nito masaya sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...