⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXXVII
“KAPAG KAILANGAN mo ng tulong narito kami ” wika ni lady Selena asawa ni Duke Damian, nakapulot ang mga braso ni lady Selena sa braso ng asawa niya. Nasa likod naman nila ang dalawa nilang anak na sina Gelal at Silver.“Mukhang gusto kayo makausap ng former Marquess.” biglang sabad ng Count nang makita niya ang karwahe na may sagisag ng Aviola, isang alamat puno na tinanim ng diyos ng kalikasan na si Ariety, pero wala na iyon ngayon, na wala lamang ito na parang bula ng mawala rin sa lupa ang Diyos, kasama ang apat nitong mga kapatid.
“Kung ganon, mag-iingat ka sa iyong pag-uwi, Lord Ralphus. Thank you very much for your help.” pasasalamat ng Ginang sa Count na tinanguan lang nang ulo ng Count.
“If it's all right with you, Uncle Ralphus, can we go home together?” biglang sabad ni Kaan, lumingon ang mga kasama niya sa kanya.
“Hindi pa ba dumarating ang sundo mo?” tanong ni Lord Ronan, na napansin kanina pa na wala pa sa harap nila ang karwahe ng Whitlock.
“Si Calypso po ang sinakyan ko, papunta rito, Lord Ronan.” Kaan replied, to Lord Ronan, who couldn't help raising an eyebrow at Kaan.
“Sure. Im sure masaya lumipad habang naka-sakay sa isang malaking ibon.” excited na wika ng Count na halatang gustong masubukan na sumakay sa fire Phoenix ni Kaan.
Napailing ang Duke at ang kaharap ng Count.
“Parang naririnig ko si Airleya, sa inyo Count Ralphus.” wika ni Silver.
Nagtawanan ang lahat bago nagpaalam sa isa't -isa.
“Hindi ka pa ba aalis?” tanong ni Airleya, sa second Prince, na kaninang tanghali pa mula ng umalis ang Count para sa dadaluhan nitong kasiyahan na narito.
Nakakulong ang dalawa sa silid, kasama si Zephyr, na panay ang bonding kay Prince Teiran, na siyang-saya sa kakulitan ni Zephyr
“Mamaya na. Maaga pa naman.” komento ni Prince Teiran.
Kumunot ang noo ni Airleya, at tinuro ang labas. Karga ni Airleya si Zephyr, na natutulog na, pero sa tuwing hinihiga niya ito sa kama ay nagigising ito at mahigpit na kunakapit sa kanyang leeg.
“Maaga ba yan? Gabi na oi.” ani Airleya, na halatang naiirita na sa Prinsipe na sinuklian lang siya ng matamis na ngiti.
Sumagot si Prince Teiran, na nakanguso ang labi. “Gusto ko pang manatili sa iyo, Air.”
Tumaas ang kanang kilay ni Airleya, at hindi makapaniwala na napatitig sa kaharap.
“You know what, Ran. Kung tulad lang ako ng ibang babae na mabilis bumigay, in short, marupok. Seguradong mahihimanatay na ako sa kilig. Kaso, hindi gagana sa akin ang mga ganyan mo. Tsupe na! Alis! Shoo away!” pagpapalayas ni Airleya kay Prince Teiran, na tinutulak niya niya ng kanyang kaliwang kamay palabas ng silid niya patungo sa balkonahe.
“Hindi mo ako ihahatid sa labas?” tanong ni Prince Teiran, habang nakabaling ang ulo nito sa kanya.
“Gago ka ba? Gusto mo ba ma-tsismis ako na may pumasok na lalaki rito sa kwarto ko mismo? FYI Hindi alam ng lahat na narito ka, Ran.”
“FYI? Anong ibig sabihin nu'n?” kunot noo'ng tanong ni Prince Teiran, sa kanya ng tulayan na siyang makalabas sa silid.
“For Your Information.” sagot ni Airleya.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...