⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXI
BAGO PA MAKASAGOT ang second prince sa tanong sa kanya ni Airleya, kung kumusta ito ay may dalawang matalim na espada na tumatutok sa magkabilaang leeg niya.Dahilan para mapangiwi si Prince Sepehr. Ramdam niya ang nakakamatay na presensya ng dalawang knight.
“Sir Exter, Sir Ceasar, ibaba niyo ang mga espada niyo. Nasa harap natin ang Second Prince.” kalmadong sambit ni Airleya sa dalawa, at kaagad ring ibinaba ng dalawang knight ang espada nito at binalik sa kaluban. Hindi naman napigilan ng mga tao roon na hindi mapatitig sa kanila na may mapang-usisang titig.
“I apologize for what my knights did, Prince Teiran.” paghihingi ng paumanhin ni Airleya at yumuko ang ulo nito.
Gustong pigilan nina sir Exter at sir Ceasar si Airleya pero sinenyasan sila nito, dahilan para hindi sila makagalaw sa kinatatayuan nila.
“My lady, you don't need to apologize to me. Nakakapanindig balahibo naman ang pagiging formal mong magsalita. Different from the lady I met on the first prince's birthday.” nakangiwing sambit ni Prince Sepehr, kay Airleya na sinadya maging formal.
At dahil mabilis kausap si Airleya, bumalik sa dating ugali ito.
“Okay. So what brought you here, Second Prince Teiran? And don't call me My lady. Don't tell me you miss me? Am I that beautiful so that you can't erase my beauty from your mind?" said Airleya with her beautiful eyes.”
Sir Exter and Sir Ceasar bit their lips because of the words that came out of Airleya's mouth. Prince Tieran was speechless because of the words he heard from Airleya.
“What? Sabi mo ilabas ko ang pagiging ako. Ito na oh, hi prince Tieran, Airleya is waving!” wika ni Airleya, sabay kaway sa harap ni prince Teiran.
Magsasalita sana ang prinsepi pero kaagad naalerto ito nang may maramdaman na malakas na enerhiya. Hindi naman iyon nakaligtas kay Airleya at napabaling sa kanang gawi niya.
“Shit. So nandito na sila. . .” mahinang sambit ng prinsepi sa sarili nito na klarong klaro na narinig ni Airleya ang bulalas sa sarili ng Prinsepi. Magtatanong sana siya pero nagkagulo na sa paligid nila.
Bago pa man makapagsalita si Airleya para utusan ang dalawa niyang knight, bigla na lamang sumabog ng malakas malapit sa kanila. Dahilan para tumalsik ang mga nawasak na mga establisyemento at mga nadamay na tao sa kinaroroonan nila dahil sa malakas na epekto ng pagsabog.
Nakagawa ng malakas na harang si sir Ceasar para protektahan ang dalawang importanteng tao.
“Sir Ceasar, dalhin niyo ni sir Exter ang mga tao na narito sa ligtas na lugar. Pupuntahan namin ng Prinsepi ang pinanggagalingan nang enerhiya.” utos niya sa dalawang kabalyero na mabilis namang sumang-ayon sa utos ni Airleya.
“Lets go my lady.” ani prince Teiran, at naunang tumakbo. Sumunod naman si Airleya na todo ang iwas sa mga taong nadadaanan nila. At hindi niya na napigilan ang sarili na maiinis dahil sa dami ng tao na nagkukumpulan para lang makaalis sa lugar na iyon, wala siyang nagawa kundi ang lumipas.
At dahil sa nangyari, nakarating ang balata sa Count at kaagad na nagpadala ng mga kabalyero at mga manggagamot sa bayan na sakop ng teritoryo niya.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...