XIX

10.1K 263 8
                                        

Chapter XIX

Hindi maiwasang mailang ni Silver sa paraan ng pagtitig ni Airleya sa kanya. Kanina pa ito seryosong nakamasid, na para bang may gusto itong kumpirmahin.

"Say, Silver... na-meet mo ba si Usmob?" tanong ni Airleya.

Agad na napalingon sa kanya ang Duke at Duchess Silverio, pati na rin ang dalawang kapatid ni Silver. Nasa guest room silang anim.

"Usmob? Ang tinutukoy mo ba ay si Usmob, ang Goddess of Ice?" tanong ng Duchess.

Tumango si Airleya.

"No other than her."

Muli niyang ibinalik ang tingin kay Silver.

"Dalawa ang dahilan kung bakit ako naparito. Una, gusto kong makumpirma kung nagpakita nga ba sa'yo ang Goddess of Ice. At pangalawa..." ngumiti siya. "Gusto kitang maging best friend."

Saglit na natahimik ang silid.

Matagal na nakatitig si Silver kay Airleya bago siya huminga nang malalim at marahang pumikit. Nang muli niyang idilat ang mga mata, nagbago ang ekspresyon niya. Napansin iyon ng lahat ng naroon.

"Say, Airleya..." mahinahon niyang sambit.

"Nagpakita rin ba sa'yo si Oniev, ang Goddess of Wind?"

Hindi napigilan ni Airleya ang mapangiti.

"So... tama nga ang hinala ko."

Bahagya siyang sumandal sa backrest ng sofa.

"Hmm... kailangan ko pa lang mahanap ang natitira."

Huminto siya sandali.

"Wait... tatlo pa nga ba?"

Nagkatinginan ang Duke at Duchess Silverio.

"Can I call you by your name, Silver?" tanong ni Airleya. "Mas komportable akong tawagin ka sa pangalan mo. You can call me Airleya... or simply Leya."

Tumango si Silver.

"Of course."

Biglang naging seryoso ang mukha ni Airleya.

"Starting tomorrow, kailangan mo nang pag-aralan kung paano kontrolin ang kapangyarihan mo."

Napatigil si Silver.

"Pakiramdam ko, may dahilan kung bakit nagpakita sa atin ang mga diyos."

Pagkatapos ay bumaling siya sa Duke.

"Your Grace, maaari po ba ninyo siyang sanayin? Wala po kasi akong alam tungkol sa Ice Magic."

Tumango ang Duke.

Muli siyang humarap kay Silver.

"At kapag nakontrol mo na ang powers mo, lalabas tayo."

Napakurap si Silver.

"Lalabas... seryoso?"

Napalingon siya sa kanyang mga magulang.

AIRLEYAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon