XLIII

3K 87 1
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XLIII

NAPAKURAP NANG mata ng ilang beses sina Silver, at hindi makapaniwalang tinitigan ng matapat ang kalaban na kanilang inatrasan kahapon na ngayon ay naliligo sa sariling dugo, dalawa sa siyam na natitira ang wala nang buhay sa harapan nila.

Sinundot-sundot pa ni Willow gamit ang talim ng espada niya ang katawan ng kalaban, bago lumingon kina Prince Teiran, at Kaan na parang wala lang sa mga ito ang nakikita nila.

“. . . Tingin niyo, si Airleya ang gumawa nito?” tanong ni Willow, na ang tanging hinala niya ay si Airleya ang tumapos sa dalawang kalaban na nakita nila habang nagpapatrol sila sa labas ng protection barrier nila kung saan nasa loob ng harang na ito ang mga tao.

Malayo na sila sa kuta nila at sa naiisip ni Willow, baka si Airleya ang tumapos ng dalawa.

“No. Hindi siya ang gumawa nito.” saad ni Prince Teiran, at napatitig sa basang lugar.

Lumingon si Kaan kay Prince Teiran, “Base sa iyong facial expression, kilala mo ito, at kilala namin ito. Ang tunay na Emperor ba?” bumaling si Prince Teiran kay Kaan, na kaagad nabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

“Sa tingin ko ay nahanap na ni Airleya ang tunay na Emperor.” wika ni Prince Teiran, sa mahina nitong boses, bago napalingon silang apat sa malakas na pagsabog.

Nagkatinginan ang apat saka pinuntahan ang kinaroroonan ng pagsabog.


“Lady Airleya, bakit mo ipinalabas na ako ang may gawa nun? Ikaw ang tumalo —” hindi natapos ng Emperor ang sasabihin nito ng sumenyas si Airleya na manahimik siya, naging alerto bigla si Airleya dahilan para maging alerto rin si Emperor Astoru.

“Signal ko iyon, na buhay ka. At alam ko na nakuha ni Ran ang ibig sabihin non.” sagot ni Airleya, bago tumayo ng tuwid nang palibutan silang dalawa ng mga kalaban nila.

“Ready, Your Majesty?” nakangising tanong ni Airleya sa Emperor.

Huminga ng malalim ang Emperor, saka nauna silang umatake ni Airleya sa mga kalaban nila na kayang-kaya nilang talunin.

. . .Mnoo. . .Mnoo, who is she? Bakit hindi ko maalala ang Diyos na binanggit ng babaeng iyon?” tanong ni Ethros ang Diyos ng pagkawasak sa kanyang sarili habang nakaupo ito sa trono.

Nakangalumbaba ito at malalim na tumatakbo ang isipan niya sa Mnoo, na hindi niya kilala. Kilala niya lahat ng Diyos, pero ang nangangalang Mnoo. . . Ito ang unang beses na narinig niya ito, at walang oras na hindi niya sinasambit ang pangalang Mnoo.

“My leige,” umangat ang mukha ni Ethros sa isa sa mga alagad niya na hindi niya namalayang lumapit sa kanya.

“What?” may inis sa boses nito. Napalunok sa sariling laway si Rio, alam niya kasi na sa oras mapunta sa galit ang inis nito, paniguradong makakawasak ito ng isang lupain.

“Si Sid at Irro. . . Natalo sila ng descendants ni Oniev.” balita ni Rio. Naging matalim ang mata ni Ethros ng malaman niya ang sinapit ng pinakamalakas niyang alagad na kahit sinuman ay walang nakatalo doon. Pero natalo ito ng isa lamang hamak na mortal na descendants ni Oniev.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon