⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.
Chapter XII
MALAMBOT ANG MUKHA ng dalawang taong nakatitig sa isa't -isa ng magsimulang kumilos ang kanilang mga katawan sa tugtog ng musika.Napatitig lahat ng mga tao sa dalawa. Maraming sumasayaw pero ang titig ng lahat kina Prince Sepehr at Lady Airleya.
Samantala ang Count naman napakuyom ng kamao. Umaatake na ang pagiging protective niya sa kanyang kaisa-isang anak. At ang Baron naman na gustong pahintuin ang dalawa sa pagsayaw. Umiinit ang dugo at mata ng Baron sa second prince dahil sinayaw nito ang nag-iisa niyang apo. Pinigilan naman siya ng asawa niyang si Lady Sol. Nakahawak ang isang kamay ni Lady Sol kay Kaan na handang patayin ang prinsepi.
Napakuyom ng kamao si Lady Aghamora, sa nakikita. Hindi siya makapaniwala na nakasayaw ng stepdaughter niya ang second prince.
"woah. . .! Ayokong maging sinungaling pero, bagay sila."
"Tingnan niyo ang titig nila. . . Eeeeh! Kakilig."
"Wala ba kayong may napapansin? Magka-match sila ng damit!"
Mas lalong kumulo ang dugo ni lady Aghamora at ng dalawa niyang anak na babae dahil sa mga magagandang komento na narinig sa paligid nila. Samantala si Rune naman ay kalmado lang sa tabi habang may hawak na champagne glass, pero ang hawak nito sa hawak kulang na lang ay mabali ito.
"No! Hindi ko matatanggap 'to! Ang nobody na yan? Nakasayaw ang second prince?" inis, inggit, at galit na sambit ni Mavietta habang pinapanood ang dalawa sa pagsayaw.
"May first prince pa naman."sabad naman ni Charlestina pero galit na ito kay Airleya.
"Stepmother mo talaga si Aghamora Villamor?" tanong ng second prince, nang hanapin nito ang baywang niya dahilan lumapit ang mukha ni Airleya, sa mukha at bumulong ito sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Airleya.
"Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa iyo. Pero mag-iingat ka sa stepmother mo."
"Hmm. Sa tono pa lang ng boses mo. Hulaan ko may ginawang kasalanan na malaki ang stepmother ko. Tama?"
"Yeah."
"Kung may binabalak ka na maganda para sa Emperyo. I'm here. Tutulong ako." ani Airleya.
Malakas na bumuga nang hangin si Airleya, ng makapasok sa karwahe, kasama ang ama niya. Sila ang pangatlong tao ang nagbalak ng umuwi, na ang unang umuwi ay ang lolo't lola niya kasama si Kaan.
"Sa susunod na magkita kayo ng second prince, dedmahin mo Leya, Ha!" inis na sambit ng ama niya sa kanya. Na halatang nagiging overprotective sa kanya na ikinangiti niya.
"Papa, magmumukha akong bastos at walang galang kapag sinunod ko ang sinabi mo. He's a prince." ani Airleya, na may ngiti sa labi at napahilig sa balikat ng ama niya.
"I-credit mo sa akin. Sabihin mo utos ko." natawa si Airleya, dahil sa sagot ng papa niya sa kanya. She can't believe that Airleya's father ay may tinatagong overprotectiveness sa anak nito.
"Kailangan mo talagang bumalik, sa katawan mo Airleya. Ayokong maging ikaw habang buhay. Ayokong mawala sa mundong ito na may tinatagong malaking sekreto." kausap niya sa kanyang sarili at hindi niya namalayan na nakaidlip siya habang nasa byahe.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...