IV

9.5K 262 4
                                    


⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter IV


GUSTONG IBUNGGO ni Airleya, ang ulo niya sa pinakamalapit na pader dahil sa request niya sa kanyang ama, pero naisip niya na baka masira ang kanyang magandang mukha.

“Blue diamond ha! Tangina mo self! Saan makakahanap si Papa ng blue diamond? Ang laking request mo na malabong mangyari na magkakaroon ka ng blue diamond.” anang isipan ni Airleya, sa sarili niya.

Naging seryuso ang mukha ni Airleya, ng pumasok sa kanyang silid ang apat na maid, na tutulong sa kanya para mag-ayos. Iyon ang parating ganap sa kanya tuwing umaga, pupuntahan siya ng mga nakatukang ayusin siya na hindi niya naman hihindian. Siya na ngayon si Airleya, at gusto niyang wala sa mga taong na nandito sa Briarlaine mansion ang makakapansin o makaalam na hindi na siya ang tunay na Airleya.

Napayakap si Airleya sa tuhod niya, habang abala ang dalawang maid sa pag-sa-shampoo ng buhok.

“Ayusin mo ang trabaho mo servant Hena. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” banta niya sa isang maid. Dahilan para mapatitig ang kasama nito kay Hena, na nanlaki ang mga mata sa gulat dahil sa banta ng binibini sa kanya.

Matalim, at may pananakot sa bawat salitang pinakawalan ni Airleya sa kanya upang maramdam niya ang takot sa buo niyang katawan.

“Hindi lalabhan ang buhok ko para, ganyanin mo. Mababa ka lang na uri ng tao sa lipunan at mas mataas ako. Anak ako ng Count. At kayang-kaya kitang paalisin.” ani Airleya, na wala sanang balak na sabihin ang mga katagang iyon, pero hindi niya na mapigilang bantaan si Hena, dahil sa mga ginagawa nito sa kanya. Maiintindihan pa niya sana kung hindi sinasadya nito ang ginagawa niya, pero nahahalata niya na may halong walang respeto ito sa kanya at pambabastos na ang ginagawa nito sa kanya.

At doon, iniayos ni Hena, ang trabaho niya.

Walang emosyon na nakatitig si Airleya, sa life size mirror, habang inaayos ng dalawang maid na nakatuka sa mga susuotin niya.

Wala ni isang maid ang nag-isip na mag-salita para tanungin ang binibini kung komportable ba o nagagandahan siya sa suot nito.

Hanggang sa. . .

“Ayaw ko sa damit na ito.” saad ni Airleya, para mapatigil ang dalawang maid sa ginagawa. Pati ang dalawa pang maid na siyang nakatuka sa kanya kanina ay nagulat din. Iyon ang unang beses na hindi nagustuhan ni Airleya ang damit na pinili nila.

Naglakad si Airleya at kinuha ang damit na ginawa niya noong isang araw, sa wardrobe at kinuha ang damit na alam niyang komportable siyang suotin. Naka-hanger iyon. At hindi kasing bigat at kasing haba ng suot niya na sa hinuha niya ay lumang damit na iyon. Na hindi niya alam kung bakit may ganito ang orihinal na Airleya sa closet nito.

Kaunti lang ang gusto niya sa mga damit ng orihinal, at tanging mga lolita dress ang gusto niya dahil madali siyang nakakakilos.

Sinimulan ni Airleya, tanggalin ang damit niya na kaagad ay tinulungan ng mga maid para tanggalin ang mainit at masikip niyang suot.

Hindi napigilan ni Airleya na mapangiti, habang hawak niya ang  A-line above calf skirt ng dress niyang suot. Bali naka suot siya ng spaghetti strap dress na off shoulder. Kulay light blue iyon. Pinarisan niya iyon ng plumps heel shoes, na kanyang komportableng suotin na kasing kulay din ng suot niya. Naka-hairdown ponytail ang mahaba at maganda nitong buhok na kulay itim. May rose blue na hairpin na gawa sa blue sapphire na may maliit na diamonds na nakadikit sa gilid ng mga talulot ng bulaklak na bato na nasa gilid ng kanyang ulo.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon