XVI

7.2K 208 8
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter XVI

SABAY NA PABALING ng tingin ang anim na tao na nasa dining hall dahil sa pagbukas ng malaking pinto. Pumasok ang butler ni Count Ralphus na si sir Anderson. May dala itong sulat. At halata sa mukha nito ang matinding pagkabahala.

Nang basahin ni Count Ralphus ang nakasulat. Tumalim ang mata niya kay Airleya, na kaagad nilunok ang karne ng baka. Nang makitang matalim ang titig sa kanyang ama.

“May problema ba, Ralpus?” tanong ni lady Aghamora ng makita niya ang galit na titig ng asawa kay Airleya.

“Pinapatawag ka ng Imperial Justice para dumalo sa kaso na isinampa sa iyo ni Lord Jykll Ziore Whitlock. What did you Airleya?!” hindi napigilang tumaas ang boses ni Count Ralphus sa anak niya. Na hindi man lang natinag.

Inaasahan na ni Airleya na magugulat at magagalit ang ama niya. Lalo pa't hindi nasabi ni sir Exter sa ama niya ang nangyari sa Whitlock mansion. Busy kasi ito sa trabaho dahilan para hindi magawa ni sir Exter ang pinapautos ni Airleya.

“Malalaman niyo yun kapag dadalo kayo, sa hearing. Expected ko na yan. Don't worry, Pa aayusin ko ang ginawa ko. Kailan ba ako pupunta sa Imperial Justice?”

“Three days from now.” sagot ni Count Ralphus. Napatitig naman si sir Anderson kay Airleya na hindi halatang kinakabahan o natatakot.

“Okay. Oy punta kayo ha!” ani Airleya, sa stepmother niya. Na nakataas ang kilay sa kanya.

“Sure pupunta kami.” sagot ni Charlestina na excited makitang matakot si Airleya.

“Good. At least may supporter ako.” nakangiting sambit ni Airleya na hindi narin makapaghintay.

Kagaya ng parating ginagawa ni Airleya pagkatapos niyang maghapunan, sa kwarto ang deritso niya. At habang papalapit siya sa kwarto niya. Nakita niya si sir Exter na halatang hinihintay siya. Bago pa man makalapit si Airleya, bigla siyang tinawag ni sir Anderson. Dahilan para lumingon siya sa kanyang likuran. Tumungo ang tingin ni Airleya, sa hindi kalakihang box na bitbit ni sir Anderson.

“Ano po yun?” tanong niya.

“Pinalinis ko ang silid ni Kaan, sa knights room para ipagamit sa bagong knights. May mga gamit akong itinabi, at nasa loob ng box na ito ang mga laman. Ang ibang gamit niya na parang wala ng halaga ipinatapon ko na.” ani sir Anderson, at kaagad na kinuha ni Airleya ang box.

Napakurap si sir Anderson, dahil sa ginawa ni Airleya. Bago pa man makuha ng tuluyan ni Airleya ang box. Mabilis na inilayo ni sir Anderson ito.

Napatingala si Airleya sa lalaki.

“Oh. Sorry. It's me being independent.” kaagad na sambit ni Airleya ng mapagtanto ang ginawa.

Pumikit ang mata ni sir Anderson kasabay ang pagtango niya ng ulo. Bumaling ang tingin niya kay sir Exter ng lumapit ito sa kanila. Na kaagad yumukod bilang respeto.

Iniabot ni sir Anderson ang box kay sir Exter, at nagpaalam ang butler ng Count sa kanila.

Nang makapasok si Airleya sa silid niya. Ipinatong niya sa coffee table na nasa harap bg cabriole sofa ang box.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon