⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XVIII
DALAWANG ARAW matapos ipagdiwang ni Airleya ang kanyang kaarawan. Pumunta si Airleya sa teritoryo ng Duke, para makilala ang mga ito na naayon sa plano niya. Pero siyempre hindi iyon magiging posible kung hindi siya tinulungan ng Papa niya na toto ang pagbawi sa mga nawalang taon sa kanila bilang mag-ama. Kahit pa may mga asungot na gustong wasakin ang kanilang pagsasamahan bilang mag-ama.“Lady Airleya, narito na po tayo.” wika ni sir Ceasar na siyang naging kutsero sa araw na ito.
Napatitig si Airleya, sa higanteng gate ng Silverio.
“Wow! Ano yung mas malaki, ang Silverio mansion o ang Imperial Palace?” hindi napigilang tanong ni Airleya, kina sir Ceasar at sir Exter ng makababa siya ng karwahe at titig na titig siya sa napakalaking mansion ng Silverio. Parang hindi na iyon isang mansion, na matatawag. Kundi palasyo dahil sa sobrang laki at ganda nito.
Sinalubong si Airleya ng Duke at Duchess kasama ang dalawang anak nitong lalaki na sina Gelal at Killian. Kaagad na ipinapakita ni Airleya kung paano siya bumati sa mga taong katulad ng Duke.
Pumalakpak ang asawa ng Duke na si lady Selena. “Perfect courtesy! Marvelous!” anang ginang na ikinangiti ni Airleya.
Napatitig si Airleya sa dalawang anak na lalaki ng Duke.
“Ito ang panganay ko si Gelal Vincent, at si Killian Serio.” pagpapakilala ng Duke kay Airleya sa dalawa niyang anak na ngumiti sa kanya at yumukod ang ulo nito.
Hindi mapigilan ni Airleya na hindi mapatitig ng matagal sa dalawang lalaki lalo pa't sobrang gwapo ng mga ito sa kanyang mata. Namana ng dalawa ang kulay ng buhok na silver at kulay sky blue na mata sa ama nila.
“Kung hindi lang ano sinabihan ni Papa na dalawa ang anak niyong lalaki. Segurado akong pagkakamalan ko si lord Killian na babae.” hindi napigilang komento ni Airleya, na titig na titig kay Killian ngayon.
Hindi din napigilan ni Killian na hindi huminga ng malalim na kaagad na inakbayan siya ng kuya niya na mahinang na tumatawa.
“Oh, marami na ang nakapagsabi sa amin na mukhang babae si Killian dahil sa gandang taglay niya pero siyempre gwapo parin siya diba lady Airleya?” anang ina nina Gelal at Killian.
Tumango ang ulo ni Airleya bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad sila sa hallway ay panay ang kwentuhan nila.
At habang naglalakad nakasalubong nila ang dalawang maid na kaagad yumuko sa kanila ng makita sila.
“Your Grace. . .” napakagat labi ang isang maid habang nakayuko ang ulo dahil bigo silang palabasin sa silid ang bunsong anak ng Duke.
“Kami na ang bahala sa kanya. Bumalik na kayo sa inyong trabaho o di kaya'y magpahinga muna kung wala kayong trabaho sa oras na ito.” sambit ng Duchess saka nagpatuloy ang lima sa paglalakad hanggang sa marating nila ang silid ni Silver.
“Nandito na tayo sa silid niya.” si Gelal ang nagsalita habang nakatitig sa pintuan ng silid ni Silver.
Lumingon si Airleya sa pamilyang Silverio. “Pwede po bang ako ang magpalabas sa kanya?”
“Kung yan ang gusto mo lady Airleya” sagot ng Duke at agad na lumapit sa harap nang pinto ng silid ni Silver saka siya kumatok.
“I said no!” kaagad na sagot ng babae sa loob ng silid.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasiaWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...