Special Chapter I

4.9K 112 9
                                        

«⚠️ Before you read this chapter...

This is a special chapter written purely for fun. Since I'm still a novice writer (and admittedly too lazy to edit sometimes 😅), you might encounter a few grammatical errors or typos.

I hope you enjoy reading!»

Special Chapter I

"Sigurado ka ba sa tsismis na 'yan, Silver?" tanong ni Airleya.

Isa na sa mga paborito niyang libangan ngayong buntis siya sa panganay nila ni Emperor Teiran ang makinig sa mga bagong tsismis kasama ang matalik niyang kaibigan.

Tumango si Silver at buong pagmamalaking itinuro ang sarili.

"Of course! Galing mismo sa Marites Gang ko ang balitang ito. Tungkol kay Kaan at kay Princess Gracel Lavelle ng Ettril—pinsan ni Empress Syera."

Hindi na nakapagpigil pa si Airleya.

Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan.

"Let's go."

Kasunod niyang kumilos ang labintatlong royal guards na personal na itinalaga ni Emperor Teiran upang bantayan siya habang nagdadalang-tao.

"Your Majesty..." nag-aalalang tawag ng isa sa mga guwardiya. "Dahan-dahan lang po. Baka mapagod kayo."

Napahinto si Airleya.

"Silv."

Lumapit agad si Silver.

"Kayo rin."

Nagtaka ang lahat ng guwardiya, ngunit sumunod pa rin sila.

Sa isang iglap...

gumamit ng teleportation si Airleya.

Pagmulat nila ng mga mata, nasa harap na sila ng Whitlock Mansion.

"A-Ah! Lady—"

Natigilan ang katulong na may dalang tray ng pagkain.

"I mean... Your Majesty! Lady Silver!"

Napahawak na lamang sa kanilang mga noo ang mga guwardiya.

Muli na namang biglaang sumulpot ang Empress nila.

"Sarina!"

sigaw ng isa pang katulong.

"Ano pa'ng ginagawa mo riyan? Baka naghihintay na sina Lord Kaan at Princess Gracel sa guest room!"

Nagkatinginan sina Airleya at Silver.

Pareho silang napangiti.

Walang salitang kailangan.

Pareho nilang alam ang iniisip ng isa't isa.

"Let's go."

Tahimik silang sumunod sa direksiyon ng guest room.

Kasunod pa rin ang mga guwardiyang halatang gusto na lamang maglaho sa kahihiyan.

Habang papalayo ang grupo...

napabuntong-hininga si Sarina.

"Sa tingin mo... narito sila dahil sa tsismis tungkol kay Lord Kaan?"

Inirapan siya ni Sandra.

"Kilalang tsismosa ang Empress ng Agracia."

"At idagdag mo pa si Lady Silver."

"Wala nang ibang dahilan kung bakit sila narito."

Samantala...

Nang makarating sina Airleya sa guest room—

BANG!

Binuksan niya ang malaking pinto nang walang anumang babala.

"How dare you, Kaan!"

Tahimik ang buong silid.

Napatigil sina Airleya at Silver.

Hindi ito ang eksenang inaasahan nilang makita.

Sa halip...

maayos na nakaupo sina Kaan at Princess Gracel sa magkabilang sofa habang may mga dokumentong nakalatag sa mesa.

Mukhang...

seryosong business meeting.

Napakamot si Kaan sa batok bago napangiti.

"Nawasak ba namin ang expectations ninyo, Ate Leya? Lady Silver?"

Tumayo siya at magalang na inalalayan ang dalawa papunta sa mga bakanteng upuan.

Sa labas ng silid...

unti-unting napapikit ang mga guwardiya.

Sobrang nakakahiya.

"Greetings, Your Majesty."

Magalang na yumukod si Princess Gracel.

"And to you, Lady Silver."

Hindi mapigilang mapatingin nina Airleya at Silver sa dalaga.

Napakaganda ng mala-karagatang asul nitong mga mata—isang katangiang tanging ang dugong Lavelle ng Ettril lamang ang nagtataglay.

"You don't have to be so formal," nakangiting sabi ni Airleya.

"Please..."

"Call me Airleya."

Bahagyang ngumiti si Gracel.

"Then... please call me Gracel."

"Deal."

Ngumiti rin si Airleya.

"By the way, pakikumusta ako kay Empress Syera pagbalik mo ng Ettril."

"I will."

Nagpatuloy ang usapan nina Kaan at Gracel tungkol sa negosyong balak nilang itayo.

Tahimik lamang na nakikinig sina Airleya at Silver.

Unti-unti nilang napagtanto ang totoo.

Walang romantic meeting.

Walang secret date.

Walang pagtataksil.

Business partners lang pala ang dalawa.

Hanggang sa matapos ang kanilang meeting at ihatid ni Kaan si Gracel sa karwahe.

Habang paakyat si Gracel...

bahagya siyang nawalan ng balanse.

Mabilis siyang nasalo ni Kaan.

Napakagat-labi si Airleya.

"K-drama yarn?"

Mahinang bulong niya.

Napahiwalay agad si Gracel at bahagyang yumuko.

"Thank you."

"You're welcome."

At doon tuluyang naglaho ang natitirang pag-asa nina Airleya at Silver na may juicy chismis silang maiuuwi.

AIRLEYAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon