⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXX
DALAWAMPU'T Limang lugar ang naitalang hindi nakaligtas sa hagupit na dala ng limang misteryosong kalaban na kahit ang mga malalakas na mga kabalyero sa Agracia ay hindi nagawang talunin ang mga ito.
Dalawang linggo na ang nakakalipas nang magsimula sa pagsalakay ang lima at marami na ang winasak at pinatay ng mga ito. Dahilan para mawalan ba nang pag-asa ang mga tao na maibabalik pa sa dati ang tahimik nilang pamumuhay.
“Kumusta ang mga nailigtas?” tanong ng Duke sa natirang mga kabalyero niya habang nasa tent sila at nagpupulong sa susunod nilang kilos.
“Tatlumpu't apat ang nakaligtas, Your Grace, may labing lima na malala ang kalagayan ngayon.” sagot ni Aliston na isang kabalyero.
Hindi napigilan ng Duke na hindi mapakuyom ng kamao. Kasalukuyan nilang pinoprotektahan ang mga bayan na nasa teritoryo niya kung saan isa sa winawasak ng limang halimaw.
“Your Grace!” malakas na tawag ni Zane, na isa ring kabalyero na bigla na lamang pumasok sa tent na walang paalam.
“Ano yun, Zane?” tanong ng Duke habang napahimas na ito sa sintido dahil sa nangyayaring kamalasan sa Agracia.
“S-si Sir Gelal—”
Nang marinig ng Duke ang pangalan ng anak niya, kaagad lumabas ang Duke sa tent at hinanap ang panganay niya na siyang kasama niya sa pagkilos para protektahan ang teritoryo nila. At doon niya nakita ang naghihingalo niyang anak na kahit anumang oras ay iiwan na yata siya nito dahil sa maraming dugo na lumalabas sa malalim na sugat nito.
“HEALERS NOW!” sigaw ng Duke, at kaagad na pinuntahan ng mga kabalyero ang tatlong healers na sinama nila para sa pagtulong sa mga taong nasugatan.
“Hang on, Gelal! Don't you dare to leave us!” wika ng Duke na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng anak niya, dahil sa nangyayari kay Gelal hindi na nito alam kung ano ang gagawin niya, ramdam niya na hindi niya na kakayaning lumaban pa dahil sa kalagayan niya na ngayon ay ginagamot na ng mga healers.
Makalipas ang isang oras na paggamot sa anak ng Duke. Nakahinga ng maluwag ang lahat na naroon, ligtas na sa tiyak na kamatayan ang susunod na Duke ng Silverio.
At sa mga oras ding iyon, pumasok sa kanila ang balita tungkol sa pagsalakay ng limang halimaw sa teritoryo ng Briarlaine at Whitlock.
Malakas na pagsabog kasabay ang mga sigawan ng mga taong takot sa halimaw na nilusob ang bayan nila. Iyon ang nangyayari ngayon sa dalawang lugar kung saan naisipan ng lima na guluhin. Matapos iwan ng lima ang teritoryo ng Silverio, naisipan ng lima na ang teritoryo naman ng Briarlaine at Whitlock ang isunod.
“MAMAAA!!”
“TULONG!”
“AAAHHHH!!!”
“UMALIS NA KAYO DITO, BILIS!"
sigaw ng mga tao at ng mga kabalyero ng Briarlaine na tinutulungan ang mga tao sa pagtakas, habang ang iba naman ay ay hinanda na ang sarili nila para sa kalaban.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...