III

9.3K 292 5
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter III

NAKA-NGALUMBABA si Airleya, habang gumiguhit. Nasa teresa siya ng kanyang silid. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang dalawang maid, na may dalang pagkain.

Hindi nakatakas sa paningin niya ang pasimpleng pagtitig ng isang maid sa ginagawa niya. Hinayaan niya lang ito. 

Napatitig na lamang si Airleya, sa dalang pagkain ng mga maid sa kanya. Wala siyang gana kumain. Pakiramdam niya ay may lason ang isa sa mga pagkain na hinanda sa kanya.

Natuon ang pansin niya sa teapot na may lamang tsaa. Sa hindi malamang dahilan, ibinuhos niya ang laman sa isang paso na may tanim na bonsai. Bago naisipang ligpitin ang mga gamit niya maliban sa mga pagkain na hinanda para sa kanya.

Lumabas siya sa kanyang silid, para pumunta sa traing area ng mga knights. Gusto niyang makita ang tatlong personal knights niya, na nag-iinsayo. Tatlong araw matapos siya payagan ng ama niya na lumabas sa bahay nila pagka-umaga noon ay sinabi niya sa kanyang ama na gusto niyang maging personal knights ang tatlo. Na walang pagdadalawang isip na pinayagan siya.

“Lady Airleya!” sabay tawag ng tatlo sa kanya ng makita siya. Tumigil naman ang ibang knights sa pag-iinsayo para batiin si Airleya.

“Gusto ko kayo makausap. Yung tayo-tayo lang.” seryuso niyang sambit sa tatlo. Dahilan para mapatitig sa isa't-isa ang tatlo bago nila tapunan ng titig ang anak ng Count.

“Gusto kong turuan niyo akong makipaglaban.” seryusong sambit ni Airleya. Pinag-isipan niya iyon. Lalo pa't may kutob siya na may gagawing hindi maganda sa kanya ang kanyang Madrasta at mga kinakapatid. Kaya kailangan niyang matutong makipaglaban. Ayaw niyang iasa lahat ang proteksiyon niya kina Sir Kaan, Exter, at Ceasar.

“May banta po ba sa buhay niyo?” si Kaan, ang unang nakabawi sa pagka-gulat dahil sa sinabi ni Airleya sa kanila.

Bago pa man makasagot si Airleya, dumating ang Madrasta niya at ang stepsisters niya na sina Charlestina at Mavietta. Dahil nasa likod lang sila ng hallway, hindi sila mapapansin kaya nanatili silang apat sa kinatatayuan nila.

“Mom, ano ba ang plano mo sa Airleya na yun ha? Kakaiba ang kilos niya, simula kamuntikan na siyang mamatay sa pagkalunod.” tanong ni Charlestina sa ina niya.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Lady Aghamora sa pamaypay niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang ganoon ang kilos ng stepdaughter niya. Nalunod lang tumapang na.

Tumigil ang mag-ina dahilan para marinig ng klaro nina Airleya ang sunod na sinabi ni Lady Aghamora.

“Kailangan siyang mawala sa buhay natin. Lalo na sa buhay ni Ralphus. Patayin kung kinakailangan” madiing sambit ni Lady Aghamora, na may madilim ang mukha. Bago nagpatuloy ang tatlo sa paglalakad.

Dahil doon, bigla na lamang nandilim din ang mga mukha ng kasama ni Airleya.

“Kailangan natin sa—”

Hindi natapos ni sir Ceasar ang sasabihin nito ng biglang sumabad si Airleya.

“Dont.” pigil ni Airleya.

Matapang at seryusong tinitigan ni Airleya, ang tatlong lalaki na nakatitig din sa kanya.

“Let them. I will let them be happy now. While I will destroy them little by little.” ani Airleya, dahilan para magsitaasan ang mga balahibo sa katawan ng tatlong lalaki. The three knights did not think that the daughter of the Count had hidden savagery.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon