X

7.8K 231 1
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter X


“Ralphus, bakit parati mo hinahayaang lumabas ng mansion si Airleya?!” singhal ni Lady Aghamora sa kanyang asawa na hindi man lang siya nagawang tapunan ng tingin. Nakatuon ang pansin ng Count sa binabasa nitong papeles, bago ni Count Ralphus permahan iyon.

“May mali ba? Wala namang ginagawa na masama si Leya.”

“Paano kung may mangyaring hindi maganda sa kanya sa labas?”

“Kailan ka pa nagkaroon ng concern kay Leya?”

Hindi kaagad nakaimik si Lady Aghamora, sa tanong sa kanya ni Counts Ralpus. Siya ang nagtanong pero tinanong din siya nito.

“W-what do you mean? Pinagdududahan mo ba ako?”

“No. Binibiro lang kita, my Lady.” ani Count Ralpus na nginitian siya.

“Hayaan mo si Leya, sa gusto niya. Kasama niya naman sina sir Exter at sir Ceasar kapag lumalabas siya.” dagdag pa ng Count.

Malalim na huminga si Lady Aghamora, na halata sa mukha nito na nag-aalala ito kay Airleya. Pero ang totoo niyan ay nanggagalaiti na siya sa galit sa batang iyon.

“Hindi ka ba nagdududa sa anak mo?” pag-iiba niya ng usapan.

Nagkasalubong naman ang kilay ng Count, saka ipinatong ang mga braso nito sa lamesa.

“Anong pagdududahan ko sa kanya? Ang biglang pagbago ng ugali niya? Hindi ba dapat maging masaya tayo, na sa wakas inilabas niya rin ang ugali niya. Iyan lang naman ang hinihintay ko. Akala ko nga ay mahihirapan ako sa kanya. Si Airleya ang susunod na maging Countess ng Briarlaine. And I'm happy na malaki ang pinagbago niya simula ng kamuntikan na siyang mamatay sa pagkalunod.” mahabang salaysay ng Count kay Lady Aghamora.

“Ang akala ko ay hindi mo napansin ang biglang pagbago niya.”

“Hindi ako bulag Aghamora, para hindi makita ang pinagbago ng anak ko.”

Tumango ng ulo si Lady Aghamora na para bang naiintindihan niya ang sagot ng Count.

Napakurap na mata  si Lady Aghamora, ng maalala kung bakit siya narito sa silid trabahuan ng kanyang asawa.

“Magpapaalam sana kami ng dalawa kong anak, na lalabas. May sikat na boutique na kaka-bukas lang sa bayan na dinadayo ng marami dahil sa mga magagandang damit na ibinibenta nito.” aniya sa kanyang asawa.

Tumango ng ulo si Count Ralphus, pero hindi niya napigilan na magtanong dahil sa bagong boutique na kaka-bukas lang. Wala siyang alam doon, kung meron man malalaman niya iyon mula sa report. At may papeles siyang matatanggap sa boutique na tinutukoy ni Lady Aghamora para kanyang permahan, pero wala siyang may naalalang negosyo na bubuksan sa mismong bayan ng Deerah.

“Ano ang ngalan ng negosyo?” tanong niya kay Lady Aghamora.

Napalabi si Lady Aghamora, ayaw niyang banggitin ang pangalan ng boutique

“Summerbelle boutique.”

Nang makalabas si Lady Aghamora sa silid trabahuan ng kanyang asawa, nag-aabang naman ang dalawa niyang anak na babae sa kanya.

“Mom, ano sabi ni Dad?”

“He said yes.”

Mahinang pumalakpak ang dalawang anak, saka naghanda ito sa pag-alis nila.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon