XLIV

3.1K 95 2
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XLIV

[FLASHBACK]

Ano ito?” tanong ni Airleya, kay Mnoo na paunti-unting lumalaho ang katawan sa harap nila ng Emperor.

May hawak na isang basag na salamin si Airleya na ibinigay ni Mnoo sa kanya, at hindi niya alam kung para sa ito. Lalo pa't wala namang nararamdaman si Airleya sa basag na salaming ito.

"Last fragment...” wika ni Mnoo, at humarap ng tingin si Airleya kay Mnoo bago ibinalik ang tingin sa salamin.

“Last fragment, nino? Sa iyo?”

Tumango ang ulo ni Mnoo bilang sagotat hindi mapigilang mapatitig sa huling alas para matalo ng mga descendants ng kanyang mga kapatid si Ethros.

“Oras na para ako'y umalis. Nasisiguro kong maibabalik ng huling piraso na iyan si Ethros sa mundo ng mga Diyos.” ani Mnoo, at hindi nagtagal ay nawala sa kanyang harapan ng Diyos ng buwan at bituin.

[End of Flashback]

“Ang tapang niyo para tumapak sa aking teritoryo. Nakakalimutan niyo na ba kung sino ako?” ani Ethros, at sa isang hakbang ng mga paa niya, mabilis na ikinulong ni Airleya ang apat niyang kasama dahilan para magulat sa ginawa ni Airleya.

“Airleya! Anong ginagawa mo ha?! Pakawalan mo kami rito!” galit na sigaw ni Silver, na sinusubukan nilang wasakin ang harang ni Airleya kung saan sila nitong ikinulong.

“Airleya!” galit na sigaw ni Prince Teiran, bago nagsimula maglaban ang dalawa, at walang nagawa ang apat kundi manood at sinusubukan na wasakin ang ginawang kulungan ni Airleya sa kanila.

"Shit! Kahit pagsamahin pa natin ang mga kapangyarihan natin, hindi natin magagawang wasakin ang harang ni ate!” singhal ni Kaan, na sinubukang wasakin gamit ang pinakamalakas nitong atake na hindi man lang nakagawa ng lamat sa harang na kinulong sila.

“Fuvk! Hindi ito ang plinano natin ah! Bakit si Airleya ang humaharap sa kalaban? Balak ba niyang magpakamatay?!” galit na tanong ni Willow, na hindi na napigilang maluha.

“. . .Tigilan na natin ito. Kahit anuman ang gawin natin, hindi natin mawawasak ang harang na ito.” mahinang saad ni Prince Teiran, sa mga kasama niya saka pinanood ang laban ng dalawa. “Parehas ang lakas at kapangyarihan nila, na animo'y kabilang si Airleya sa mga diyos.” puna ng Prinsipe ng makita kung gaano kalakas si Airleya, sumasabay ito sa bawat atake ni Ethros.

“No. . .hindi pwedeng si Airleya lang ang humarap kay Ethros,” umiiling na sambit ni Silver “Hindi ko kaya na mawala sa atin si Airleya. We are the chosen ones too. Bakit niya tayo pinoprotektahan ng bwesit na harang na ito! Kaya rin nating lumaban!”

“May paraan ba para mawasak ito?” tanong ng Prinsipe na mas lalong humihina ang boses, gusto niya ring makipaglaban pero dahil kinulong sila ni Airleya wala silang magawa kundi ang manood

“Meron. Iyon ay kung mapupuruhan si Airleya.” sabad ni Willow.

"Kahit mapuruhan si ate, may pag-asa bang humina ang harang na ito?” tanong ni Kaan.

“H'wag natin isipin na masaktan si Airleya sa laban nila ni Ethros, kapag nangyari iyon. . . posibleng mawala si Airleya sa atin.” saad pa ng Prinsipe.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon