⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XLII
NASA TAPAT ng malaking balkonahe kung saan, nasa tapat ng balkonaheng ito ang mga tao ng Agracia na naghihintay sa paglabas ng Emperor nila para sa isang public speech, lahat ay naiintriga kung bakit magpa-public speech ang Emperor sa lahat ng Agracian, na sa katunayan naman ay wala namang may naniniwala sa ipinaparatang ng Count sa kanya.Naroon nasa lugar sina Airleya, at hinihintay na lamang nila ang paglabas ng Emperor at ng Empress kasama ang dalawang Prinsepi.
Makalipas ang kalahating oras, lumabas ang Emperor, at makikita mula sa kinaroroonan ni Airleya na tanging si Prince Teiran, lamang ang naroon. Missing in action ang Empress at ang first prince.
“Mukhang pinaghandaan na ni Ran, ang mangyayari.” sambit ng isipan ni Airleya sa sarili niya.
Bago pa man bumuka ang bibig ng Emperor upang magsalita. Napabaling ang lahat kay Airleya na lumutang sa ere.
“Lady Airleya?” tawag ng Emperor kay Airleya.
“Bakit nandito ang anak ng Count?!”
"Oo nga! Sinisiraan ng tatay niya ang mahal nating Emperor!”
“Pwede ba manahimik kayo?” biglang sabad ni Willow, na hindi namalayan ng mga tao na naroon ang anak ng Marquessa. “Kung gusto niyo pang mabuhay pa ng matagal, umalis na kayo hangga't may ilang minuto pa kayo para tumakas. Sa oras na magkagulo na rito, huwag kayong umasa na ililigtas namin kayo.” malamig na sambit ni Willow sa maraming tao, sapat na para marinig nila ang sinabi ng dalaga.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Pati ikaw? Naniniwala sa Count?! Dapat kayong parusahan ng kamatayan dahil sa ipinaparatang niyong walang katotohanan!!”
Sigaw ng mga tao na naroon na sobra ang pagmamahal sa Emperor nila.
Dumating naman si Kaan, na naka-sakay sa phoenix niyang si Calypso. Nakatayo ito sa tuktuk ng ulo ni Calpyo, at nakapatong naman ang maliit na dragon sa balikat nito.
Samantala Silver naman naka-krus ang mga binti na nakaupo sa mataas na gate ng palasyo, nakataas ang kanang kilay niya sa mga tao.
Suot ang tunic shirt na kulay purple at black leggings, at combat boots. Naka-tarintas ang buo niyang buhok. Hindi napigilan ng Emperor na mapatitig kay Airleya, may matapang na mga mata itong nakatitig sa kanya, saka napatitig sa isang maliit na bola? Parang bola iyon, na kasing liit lang ito ng tennis ball.
Kumunot naman ang noo ni Prince Teiran, dahil sa hawak ni Airleya. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ni Airleya, at kung ano man iyon, handa na sila kahit walang plano silang napaghandaan na lima. Sa mga oras na iyon, napagtanto ni Prince Teiran, na gusto ni Airleya na magkaroon sila ng kanya-kanyang plano. At yun ang huli niya nang napagtanto sa mga oras na iyon.
“At ano yan lady Airleya?” tanong ng Emperor kay Airleya, bumaling ang tingin ni Airleya sa hawak niya.
“Ito?” ngumiti si Airleya, bago nagkaroon ng kulay ang mga mata niya. “Ito ang magpapakita ng tunay mong katauhan. God of Destruction, Ethros.”
“With the power granted to me by the moon and star god Mnoo, through the moon of truth I ask to show us the disguised Emperor before us. Hear my request.”
Matapos humiling ni Airleya sa bola, kaagad na umilaw ang hawak ni Airleya, makalipas ang ilang segundo, lumantad ang totoo itsura ni Ethros.
Pero imbes na magwala sa galit, nakipagtitigan lang ito kay Airleya. At hindi naman iyon inayawan ni Airleya, nakipagtitigan pa ito sa diyos ng pagkawasak.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...