I

13.1K 303 1
                                    


⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.


Chapter I


MALALIM NA napabuntong hininga si Airleya. Ilang linggo na siyang nagkukulong sa silid niya simula ng magising siya. At sa loob lamang ng isang linggo marami siyang nalaman kahit pa nasa loob siya ng silid niya.

Lahat ng mga katulong na nasa malaking pamamahay na ito, ay kakampi ng stepsisters niya nasisiguro niya iyon. Nasa stepmother at sa mga step sisters at stepbrother ang karapatan ng mga ito. Base sa obserbasyon niya at pati na rin sa mga alaala na iniwan ng tunay Airleya sa kanya.

"Hah! So, wala pala akong kakampi dito. Kahit ang sarili kong ama, walang pakialam sa akin." Wala sa sariling sambit ni Airleya sa kanyang sarili. Bago napalingon sa pinto ng bumukas ito, pumasok ang tatlong maid na may dalang pagkain para sa kanya.

Matiim ang titig niya sa tatlo na kunwari ay inosente at walang ginagawang kamalian sa trabaho nito.

Pasimple siyang huminga ng malalim bago iyon pakawalan, saka tumayo sa sofa na ikinatigil ng tatlong maid na maingat na inilapag ang pagkain sa lamesa.

"Sa dining hall ako kakain." Aniya sa tatlo saka naglakad palabas ng silid niya. Hindi niya niya na hinintay pang magsalita ang tatlo dahil naiirita siya sa mga salitang lumalabas sa mga bibig nito.

Naglakad si Airleya, na alam kung saan ang pupuntahan niya. "Walang may makakaalam na hindi ako ang tunay na Airleya. May magbabago, pero hindi nila malalaman ang katotohanan." Aniya sa kanyang sarili bago napatigil sa paglalakad ng marating ni Airleya ang pakay.

Nasa tapat siya ngayon ng dining hall, at nakatitig siya sa malaking pinto. Bago humakbang ang mga paa niya saka iniangat ang mga kamay para itulak ang pinto na kaagad naman bumukas.

At dahil doon, natigilan ang tao na nasa loob ng dining hall dahil sa pagpbukas ng pinto at bumungad sa kanilang harapan ang tunay at nag-iisang anak ng Count.

Gulat ang mababakas sa mukha ni Count Ralphus ng makita niya ang anak niya na pumasok sa dining hall. Hindi niya na maalala kung kailan ang huli niyang nakita ang anak na sumama sa hapag-kainan.

"Good morning everyone, I Airleya, reporting for breakfast!" Aniya, para mawala ang kakaibang atmosphere sa loob ng silid.

Napakurap ng ilang beses ang sisters niya na si Charlestina ang may maikling buhok at si Mavietta.

"Good morning to you too, little sister. Buti nakaabot ka sa almusal." Anang nakakatandang kapatid ng dalawa niyang stepsisters na si Rune, na may kakaibang ngiti na makikita rito.

Tumikhim naman ang Count para kunin ang atensiyon ng anak niya.

"Maupo ka na Airleya, Ikaw na pumili kung saan mo gustong umupo." Anang ama niya, na abala sa kinakain nito. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Palihim naman si Airleya napangiti ng mapait. Humugot ng upuan si Airleya na malayo sa kanyang mga madrasta at mga kinakapatid. Ayaw niyang tumabi, baka mamatay pa siya ng maaga kapag dumikit sa mga toxic na mga tao na ito.

Matapos mag-almusal ni Airleya, lumingon siya sa kanyang ama na aalis na sana ng dining hall para tumungo sa working room nito.

"Simula ngayon, sasama na ako sa hapag-kainan. Gusto ko lang malaman niyo yun. Para hindi naman kayo magulat sa pagpasok ko. Ang epic kasi ng mga mukha niyo." Aniya, saka tumayo sa kinauupuan niya at yumukod sa ama niya na tahimik na nakatitig sa kanya, saka iniwan ang mga ito.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon