⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.
Chapter XIII
ISANG DAPLIS sa braso ang nakuha ni Airleya, nang magawa ng ama niya na sugatan siya sa laro nila. Naroon sa training area si lady Aghamora kasama ang tatlo nitong anak. Naroon din sa lugar na iyon ang mga kabalyero sa Briarlaine.Hindi napigilan ng Count, na hindi mamangha dahil sa pinapakitang galing sa paggamit ng espada ang kaisa-isa niyang anak. Hindi niya inaasahan na may maibubuga pala ito. Dalawa na ang daplis niya sa braso at sa leeg.
Gumuhit ang ngisi sa labi ng Count nang madaplisan siya ulit ng anak niya sa tagiliran. Masaya siya sa tuwing tumatama at nasusugatan siya ng anak niya. Proud siya sa kung ano ang kayang gawin ng anak niya kapag may nangahas ditong saktan.
“Pa! Seryusuhin mo naman.” reklamo ni Airleya, na seryuso sa laban nila.
Gustong mapailing ng Count pero hindi niya magawa.
“Ako lang ba na kakapansin o sadyang may problema lang itong mga mata ko. Mas magaling pa yata si Airleya, kaysa kay Daddy.” komento ni Mavietta na titig na titig sa mag-ama na naglalaban.
“Hey! Don't say that! Halata naman na pinagbibigyan lang ni Daddy si Airleya. Para hindi masaktan ang loob nitong pasipsip nating stepsister.” ani Charlestina sa nakababatang kapatid.
“You can't fool me. Hindi ikaw ang kilala kong Airleya.” wika naman ng isipan ni Rune sa sarili niya. Na matagal ng napapansin mula ng magising ito sa aksidente ang pagbago ng ugali nito. Maraming ideya ang nasaisip ni Rune. Tulad na lamang na baka may sumanib sa katawan ni Airleya, na gumamit ng astral projection. Hindi iyon malabong mangyari gayong may mga tao na nag-aaral at nagtuturo ng magic.
May lumapit kay Rune, at yumukod ito sa harap niya. Bumaling siya kina Airleya na patuloy parin sa laban bago siya naglakad kasama ang lalaki. Nang makalayo sa maraming mga tao ay humarap ng tingin si Rune sa tauhan niya.
“Ano ang balita?” tanong niya.
“Wala akong makuhang ebidensya na nagpapatunay na may gumamit ng astral projection noong araw na nalunod ang kapatid niyo, my lord. Wala ding sinyales na may gumamit na kahit anong magic noong araw na iyon. Tanging ang ina niyo lamang ang may gawa ng pagkalunod ng binibini. Bukod doon ay wala na po.” sambit ng lalaki na nakatitig ng mata sa mata kay Rune.
Napakuyom si Rune, dahil sa impormasyon na natanggap. Kung hindi astral projection ang dahilan ng pagbago ni Airleya o anumang magic. Ibig ba sabihin no'n ay hindi talaga nagpapanggap si Airleya sa kanila? At tunay ngang nagbago na ito? Pero hindi parin sang-ayon si Rune para maniwala. Ramdam niya na may mali. Ramdam niya pero hindi naman niya maipaliwanag kung ano ang mali na iyon. Lalo pa't wala siyang sapat na patunay na hindi si Airleya ang kasama nila.
“My lord, gusto kang makausap ng iyong ama.” biglang dagdag ng lalaki, na nangangalang Requ.
Nagkasalubong ang kilay ni Rune dahil sa sinabi ni Requ sa kanya.
“Ano naman kaya ang kailangan niya?!” inis na tanong ni Rune sa sarili niya.
Nang makaalis si Requ, kaagad siya bumalik sa traing area. Doon ay nakita niya ang pagbigay ng stepfather niya ng magandang espada sa kaisa-isa nitong anak. Ang kadugo nito.
“Woaaaaah! Sa akin po ba talaga ito? As in? Bakit ang ganda? Bakit ganito ang hawakan ng sword ko? My ghaaad! Apaka-rich mo Pa!” manghang sambit ni Airleya, na hindi matanggal ang titig sa espada na hawak niya.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...