II

10.6K 306 8
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito. 🤣



Chapter II


PATUNGO SA working room ng ama niya si Airleya, upang magpaalam para mamasyal sa labas. Kailangan niyang mamili ng maaga nang mga kakailanganin niya sa paggawa niya ng susuotin para sa nalalapit na kaarawan ng first prince. Gusto niya siya ang gagawa ng susuotin niya.

Huminga ng malalim si Airleya, ng marating niya ang pakay niyang puntahan. Nasa tapat siya ngayon ng pinto nang silid kung saan nagtatrabaho ang ama niya.

Kumatok siya, “Papa, it's me Airleya. Can I have a few minutes of your time?" Airleya asked, staring earnestly at the door. While waiting for her father's go signal.

The door of the Count's working room opened and two knights opened the door for Airleya, holding both sides of the door handle.

Hindi maiwasan ni Airleya na mapatitig sa dalawang knight bago nakuha ng pansin niya ang malaking lamesa na gawa sa matibay na puno. At nandoon ang ama niya, nakaupo at abala sa nagtatambakang mga papel na kailangan basahin at permahan.

Nakatutuk ang atensiyon ng Count sa binabasa nitong papeles na kailangan nitong permahan. Umangat lang ang ulo niya ng maramdaman niyang isinara na ng dalawang knight na nasa loob ng working room niya ang pinto.

“Good morning again Papa.”bati ni Airleya sa ama niya.

Tinanggal naman ng Count ang suot niyang salamin, at napatitig sa anak niya.

“Do you need something?” bungad ng Count sa anak na kaagad tumango ng ulo.

“I'm here to let you know, if I can leave the house?"

“Where are you going? Are you going to visit your Mama's family?” the Count asked Airleya. It can be seen in the Count's voice that he is afraid that his late wife Summerbelle's daughter will leave him.

Mabilis na umiling ang ulo ni Airleya, dahil sa tanong ng ama niya.

“Hindi po. Gusto ko lang lumabas para mamili ng mga kakailanganin ko." Aniya na hindi sinabi kung ano ang mga bibilhin niya.

Napakurap nang mata ng ilang beses ang Count bago nagsalita. “Oh? Ganon ba. Ngayon na ba?"

Tumango ng ulo si Airleya. “Opo. Sorry po kung ngayon lang—”

“No it's okay. Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Pwede kang lumabas ng mansion. Pero kailangan may Knights na magbabantay sa iyo.” saad ni Count Ralphus sa anak na kaagad naman sumang-ayon sa gusto nito.

Tumayo ang Count, at dinala ang anak sa training area ng mga knights para pumili ng knights na magbabantay kay Airleya. Nakasunod naman si Airleya, na nasa tabi niya lang at tahimik lang na naglalakad kasama siya.

Kahit makikita sa mukha ng Count ang pagiging seryuso, hindi makakaila ng Count na masaya siya dahil nagkakaroon siya ng maliit na time para sa kanilang mag-ama na hindi niya nagawa dahil sa obligasyon niya bilang Count ng Emperyo. At dahil narin kay Airleya na malayo ang loob sa kanya. Pero ngayon. . . Nararamdaman niya na may pagkakataon pang magkalapit sila na mag-ama at hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon.

Nang marating ang training area, mabilis na tumayo ng tuwid ang mga knights na abala kanina sa pag-i-insayo.

“Pipili ako ng sampung knights pa—” hindi natapos ng Count ang sasabihin nito ng biglang sumabad si Airleya.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon