⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXXVI
HINDI MAPIGILAN ni Silver na hindi mapailing habang nakangiti. Napansin naman iyon ni Willow, dahilan para magtanong ito sa kanya.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Kinikilig ka no? Kanino?” sunod-sunod na tanong ni Willow sa kanya.
Nasa banquet sila ng Aviola para saksihan ang isang pangyayari na hindi aakalain ng Marquess na mangyayari sa kanya ngayong gabi.
Naroon sa kasiyahan na iyon, ang kapatid ng Marquess na si Lady Aurora, kasama ang asawa nito na si Lord Ronan Rotacio kasama ang lima nilang anak. Kaya sila naroon dahil sa Count. Naroon rin naman ang Count, maliban kay Airleya, na piniling manatili sa mansion para may kasama si Zephyr, na ayaw niyang iwanan.
“Iniisip ko lang ang reaksiyon ni Airleya ngayon na hindi siya nakasama sa kasiyahan na ito. We all know na gusto niyang makita kung paano bumagsak ang Uncle mo. Pero dahil nagka-anak siya ng wala sa oras, hindi niya makikita kung paano ilabas ni Lady Aurora ang tinatagong baho ng Marquess... Kina-career na talaga ng kaibigan natin ang pagiging ina.” natatawang wika ni Silver na hindi akalaing magkakaroon si Airleya ng anak pagka-uwi galing sa Ruins Hill.
Huminga ng malalim si Willow, bago iyon pinakawalan. “Bumabawi ang kaibigan natin kay Zeph, guilty eh. At saka i-enjoy nalang kaya natin ang gabing ito?”
Ngumiti si Silver at may mapang-asar na boses ang bakas sa salitang binitiwan. “Okaaaay, lady Willow.”
Magkasalubong ang kilay ni Willow, dahil sa tinawag ni Silver sa kanya. Ito ang unang beses na tinawag siya ni Silver, na Lady. At alam niya kung bakit iyon ang tinawag sa kanya ng kaibigan.
“Ahem. Si Lord Kaan, narito na.” tikhim ni Silver at ngumuso bilang pagturo kay Willow sa kinaroroonan ni Kaan, na ngayon ay papalapit sa kanilang grupo.
Napakurap ng ilang beses si Willow, bago napahawak sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya ay bigla na lamang uminit ang pisngi niya, ng makita si Kaan suot ang magandang damit.
Tumaas ang sulok ng labi ni Silver, sa tuwing nakikita ni Willow si Kaan, hindi maitago ni Willow ang nararamdaman nito, at parati iyon nakikita nina Airleya at Silver sa tuwing magkikita ang dalawa.
“Bakit hindi ka magtapat ng nararamdaman?” bulong na tanong ni Silver kay Willow, dahilan para napasinghap sa gulat ang dalaga na kaagad inilayo ang sarili kay Silver habang nakatakip ang palad niya sa tainga.
Dahil sa pag-atras ni Willow, hindi niya sinasadya na mabunggo sa hindi kilalang lalaki, na kaagad ay inalalayan siya ng kamuntikan na siyang mawalan ng balanse.
Binuksan naman ni Silver ang hawak niyang pamaypay, at itinakip niya iyon sa mukha niya. Tanging mga mata niya lamang ang makikita.
“Are you all right, my lady?” asked the man with his hair up. He has a pointed nose and long eyelashes that you can't stop staring at him.
Pasimpleng sinundot ni Silver, si Willow na masamang inirapan ito.
“I'm fine. Thank you.”
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...