XXVI

5.2K 133 3
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Pasensya na po kung hindi ako kagalingan sa tagalog at pagsusulat. Laking probinsya kasi. 😅  Pasensya na rin sa boring na kwento. Wala lang talaga ako magawa.

Chapter XXVI


HUMINGA NG malalim si Airleya habang patungo ang karwahe na sinasakyan niya sa Imperial banquet hall kung saan nagaganap ang kasiyahan ng lahat. Selebrasyon iyon sa magagandang nangyari sa ekonomiya, at ang katahimikan ng Agracia. Hindi lang ang mga maharlika at mga mayayamang tao ang ipinagbubunyi kundi ang mga karaniwang tao sa labas ng palasyo ay pinagdiriwang din iyon.

Hindi alam ng ama ni Airleya na ngayon ang balik niya mula sa tatlong taon na pangangaso ng mga halimaw. Gusto niya maging center of attention ngayong gabi.

Pero hindi niya inaasahan na may kasama pala siya sa maghahakot ng atensyon.

Tumigil ang karwaheng sinasakyan niya ng marating ang malaking hall. Imbes ang kutsero ang magbubukas sa pinto ng karwahe, bumungad sa kanya si Kaan na hindi niya inaasahang maagang tinapos ang pag-aaral sa loob lamang ng tatlong taon.

“Long time no see, ate Leya!” bati ni Kaan, na may ngiti sa labi. Napanganga si Airleya at hindi niya napigilan na tumalon mula sa karwahe at kaagad na pinulupot ang mga braso sa leeg ni Kaan na tatlong taon niyang hindi nakita.

“My goooood! Ang gwapo-gwapo mo Kaan, kahit naka-lights off! Shit! Pano yan baka lalo pang maglaway si Willow. Hahaha, iniisip ko palang ang reaksiyon niya kapag nakita ka niya paniguradong didikit ang tingin niya sa iyo.” kinikilig na sambit ni Airleya, nakahawak ang dalawang palad ni Airleya sa magkabilaang pisngi ni Kaan, dahilan para mapanguso si Kaan sa ginagawa niya.

“Kailan ka dumating, Kaan?” tanong ni Airleya, kay Kaan habang tinutulungan siyang ayusin ang damit niya na kulay sky blue and gold champagne dress. Kumikinang iyon dahil sa mga palamuting nilagay.

Nakasuot ng Blue and gold champagne ruched sequin appliqués ruffled off shoulder dress. Sa harap ng a-line skirt ng dress niya ay kulay champagne at gold at mula sa gilid niya hanggang sa likod ay kulay sky blue at sa likod naman nito ay kulay gold and champagne. Nakasuot si Airleya ng headband na may hindi gaanong kalakihang bulaklak sa gilid ng ulo nito na gawa sa limang diamonds na magkaiba ang kilay. Suot din niya ang blue diamond necklace na galing sa kanyang ina.

“Ngayon lang ” mabilis na umangat ng ulo si Airleya, dahil sa sagot ni Kaan.

“Oh my. Attention seeker talaga tayo.” nakangising sambit ni Airleya dahilan para mapailing si Kaan sa sinabi niya.

“Maganda na ba ako?” tanong ni Airleya kay Kaan.

“Always ate.” pinanggigigilan ni Airleya ang pisngi ni Kaan, hanggang sa may mapansin siya kay Kaan.

“Pinakulayan mo ba ang buhok mo Kaan?” tanong ni Airleya nang makita niyang nag-iba ang kulay ng buhok ni Kaan.

Napahawak si Kaan sa buhok niya, “Nagpakita ulit sa akin si Andaru, matapos niyang magpakita sa akin, nagkaganito na ang buhok ko, hindi lang buhok ko ang nag-iba kundi ang kulay ng mga mata ko.” saad ni Kaan.

Mabilis na hinuli ni Airleya ang pisngi niya para pagkatitigan ang mga mata niya. Madilim kasi sa lugar kung nasaan sila ngayon hindi iyon sapat para mapansin ni Airleya ang kulay ng buhok at mata ni Kaan.

“Woah. Parang apoy.” komento ng makita ng malapitan ang mata ni Kaan, na minsan ay parang tumitingkad ang kulay apoy nitong mata. “Parang may apoy yung mata mo Kaan, ang ganda.”

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon