XLI

3.4K 94 0
                                    

⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XLI

“AIR!”

“ATE!”

“AIRLEYA!”

Imbes ang kilalang Airleya ang lumingon sa apat na tao na tumatakbo palapit kay Airleya, ang kulay puting buhok ang lumingon kina Prince Teiran.

"Ayos ka lang, Airleya?” tanong nina Silver, at Willow, kay Saina na hindi nila alam na hindi na ito si Airleya.
.
.


.
.

“Hindi siya si Air.”

“I agree with, His Highness.” sang-ayon ni Kaan, sa sinabi ni Prince Teiran, na hindi na si Airleya ang tinulungan nina Silver at Willow na makatayo. Napatitig sa isa't-isa sina Silver at Willow, bago tinitigan ng matapat ang tinulungan nila na si Saina, na nginitian lang silang dalawa.

Sabay na bumaba ang tingin nina Prince Teiran, at Kaan sa tunay na Airleya, bago inilahad ng dalawang lalaki ang kanilang kamay kay Airleya na hindi napigilang mapatitig sa kamay ng dalawang lalaki na kaagad siyang nakilala.

Hindi napigilan ni Airleya na hindi mapangiti, kasabay ng pag-abot niya ng dalawang kamay na naghihintay na hawakan.

"Jeez! Mag-a-acting pa sana ako.” nakangising sambit ni Airleya sa dalawang lalaki, bago siya hinawakan nina Silver at Willow sa balikat dahilan para pumihit ng kusa ang katawan niya, dahil sa biglang ginawa ng dalawa niyang kaibigan.

Samantala, ang anim na kalaban na mga nasa walong metro ang layo sa kanila hindi napigilang magtanong sa isa't -isa kung anong nangyayari.

“Ikaw ba talaga si Airleya?” sabay tanong sa kanya nina Silver at Willow, na halatang guilty nang hindi nila nakilala si Airleya, sa bago nitong katawan.

“I am.” sagot ni Airleya, bago bumaling ang tingin niya kay Saina na nasa likod nina Silver at Willow.

“Sai.” tawag niya sa kanyang kakambal, sabay lahad ng kamay niya. Kaagad namang tinanggap ni Saina ang kamay ng kanyang kakambal na si Airleya. Bago iginiya ni Airleya si Saina, sa likuran nito para protektahan ang kakambal ng maramdaman niya ang kalaban na lumapit sa kanila.

Anim na parehas ng mga mata ang naka-pukol sa anim na kalaban. Mukhang magpapatuloy ang laban nila na naudlot kanina.

Bago pa man kumilos ang kalaban na handang-handa na sa round two nilang laban, bigla na lamang nila narinig ang boses ng kanilang diyos sa kanilang isipan.

Nagpakawala ng malakas na mga atake ang lima, at dahil doon walang ginawa ang kalaban nila na bigla na lamang nag-iba ang kilos nila at umiwas ang mga ito sa atake nila.

Hindi umalis si Airleya sa kinatatayuan niya, nag-aalala siya na baka may mangyari na hindi maganda sa kakambal niya.

“Kung hindi lang kami nakatanggap ng utos, seguradong patay na kayo.” anang isang kalaban, na kakaiba sa lima niyang kasama.

“Utos nino? Nang fake Emperor? Paki sabi sa Emperor niyo na may araw din siya sa amin.” matapang na sagot ni Airleya.

Tumaas ang kilay ng isa nilang kalaban, dahil sa blunt personality ni Airleya.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon