XXIX

4.5K 117 0
                                    


⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXIX


HINDI NAPIGILAN ng Duke at Count na hindi mapahimas ng sintido, habang nasa meeting room sila ng palasyo. Naroon lahat ng tao na kabilang sa pagpupulong tungkol sa sinabi ng second prince na ito daw ang tunay na Crown Prince at hindi ang first prince.

Hindi alam ng dalawa ang tungkol sa pagpapalabas ng tunay na Emperor sa tunay na Crown Prince.

“Sinabi ni Silver, sa akin na yung anak mo alam niya sa una pa lang na alam niyang ang second prince ang tunay na Crown Prince.” bumaling ang Count sa Duke dahil sa nalaman, hindi iyon naikwento ng anak niya.

“Hindi ba sinabi ni lady Airleya?” tanong ng Duke. Hindi umimik ang Count na halata sa mukha nito na hindi siya sinabihan ng anak niya tungkol rito.

“Nakaka-bilib ng talento na meron ang iyong anak, Count Ralphus. Napakalawak nang kanyang pag-iisip.” hindi alam ng Count kung ano ang magiging reaksiyon niya dahil sa nalaman, hindi niya akalain na umabot na sa ganoong pag-iisip ang anak niya. At dahil doon ay nasisiguro niyang may hindi pa sinasabi si Airleya sa kanya na hindi pa niya alam.

“Greetings, Your Grace, Sir Ralphus.” bati ni Kaan na kakadating lang at umupo ito sa tabi nila. Si Kaan na ang dumadalo sa lahat ng nga meeting na kabilang ang tatay Bozi niya tulad na lamang ngayon.

“Just call me, Uncle Ralphus, Kaan.” ani Count Ralphus, ngumiti si Kaan at tumango ng ulo.

Makalipas ang ilang minuto dumating ang hinihintay nila. Ang Emperor kasama ang Emperatris nito at ang second prince na sinasabi nitong siya ang tunay na Crown Prince, at hindi ang nakakatandang kapatid nito na nasa teritoryo ng Silverio.

Naging maingay ang buong silid dahil sa kaunting katanungan na hindi masagot-sagot nang tama ng Emperor. Nanatiling tikom ang bibig ng Emperatris at wala itong balak na sumawsaw sa kaingayan ng mga tao na naroon.

Samantala ang second prince naman ay, sayang-saya sa scenario na nakikita niya.

Tumigil lamang ang ingay sa loob ng silid ng tumayo ang Emperatris dahilan para ang upuan nito ay makagawa ng ingay hanggang sa matumba ang upuan nito.

Nagpaalam ang Emperatris sa Emperor at sa mga tao na naroon. Nagdihalan itong sumama ang pakiramdam niya at dahil doon sumama ang anak niya rito.

“Dad, ikaw na bahala diyan ah? Ikaw may plano ng lahat nang ito.” ani Prince Teiran sa ama niya at nginitian niya ito.

Pilit naman na ngumiti ang fake Emperor lalo pa't alam niyang gusto siyang takasan ng dalawang bugok na ito na walang kaalam-alam na hindi siya ang tunay na Emperor.

“Sure, don't worry.” aniya, at hinarap ang mga tao sa loob ng silid.

Hindi napigilan ng Duke, Count, at ni Kaan na mapailing. Iisa lamang ang iniisip ng tatlong tao na ito sa pag-alis ng dalawa sa loob bg meeting room.

“Ayos ka lang ba talaga, Mom?” naninigurong tanong ni Prince Teiran sa ina niya ng madala niya na ito sa silid.

Tumango ng ulo si Empress Xhenisa sa anak niya. Hindi naman talaga sumaama ang pakiramdam niya.

“Ang kapatid mo ayos lang ba siya?” tanong ng Emperatris sa anak niya. Ilang araw na siyang nag-aalala sa kalagayan ng anak niya, kahit pa nasa teritoryo ito ng Silverio.

“Mom, nasa teritoryo siya ng Silverio, wala ni sinuman ang mangangahas na saktan siya roon. At saka, marunong makipaglaban si kuya, kaya huwag mo nang isipin ang kaligtasan niya okay?” pagpapagaan ni Prince Teiran sa nararamdaman ng kanyang ina.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon