⚠️Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXXIV
GAMIT ANG kaliwang braso, pinunasan ni Airleya ang pawis na nasa noo niya. Kasalukuyan silang nakikipaglaban sa bagong kalaban na sumulpot na lamang sa Capital ng Agracia, dahilan bulabugin ng mga ito ang tahimik na gabi ng mga tao roon. Hindi lang kalaban ang naroon kundi ang mga halimaw na hinala ni Airleya, ay ito na ang mga batang halimaw na hindi niya nakita sa kanyang hunting sa tatlong taon.“Attacked them!” sigaw ng kalaban nila na lumilipad.
Pinapanood lang silang lima na naglalaban sa mga halimaw.
“Ito na ba ang sinasabi mo, Leya?” tanong ni Silver kay Airleya nang maglapat ang kanilang likod sa isa't -isa habang pinapalibutan sila ng mga halimaw.
“Yes. Mukhang siya nga ang nagnakaw ng mga baby monsters.” sagot ni Airleya.
“Kailan ba natin gagawin ang paglabas nang sekreto ng fake Emperor? Sa nangyayari ngayon mukhang pinaglalaruan niya tayo.” saad pa ni Kaan, na sinang-ayunan naman ni Willow
“You mean, sinusubok hanggang saan ang kaya natin?” biglang sabad naman ni Prince Teiran, at hindi niya na napigilang maglabas ng malakas na water bolts sa tatlong kalaban na kanina pa silang pinapanood sa itaas.
Hindi iyon inaasahan ng tatlo dahilan para ang dalawa sa kanila ay matamaan maliban sa isa.
Matapos nagpakawala ng water bolts, water blast naman ang sunod na atake ni Prince Teiran sa kalaban, na kinalimutan na may mga halimaw itong mga kasama. Dahil sa biglaang pag-atake ng prinsipe sa kalaban, tinulungan nina Airleya, at Silver si Prince Teira. Samantala sina Kaan at Willow, naman sila ang humarap sa mga halimaw.
“Lets meet again.” anang kalaban na siyang natira sa lahat matapos talunin nina Airleya ang mga kasamahan niya.
Pipigilan pa sana ng lima ang kalaban sa pagtakas, pero huli na ang lahat ng lamunin ito ng dilim.
Ilang segundo napatitig ang lima sa puwesto ng lalaki nilang kalaban, bago nagtitigan.
“Hindi ko gusto ang pag-alis ng hinayupak na iyon.” wika ni Willow, na may pakiramdam na pinaglalaruan sila ng kalabang natira.
“Ramdam mo ba na pinaglalaruan niya tayo.?” tanong ni Kaan, sa kanya.
Lumingon naman si Willow, kay Kaan, dahilan para magtama ang kanilang tingin sa isa't -isa bago si Willow ang unang umiwas ng tingin.
Napailing na lamang si Silver at napa-tsk na lang dahil sa parating pag-iwas ng tingin ni Willow, sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ni Kaan.
“We need to start, our plan.” saad ni Airleya, na mahigpit ang pagkakahawak sa espada.
“Panahon na ba para malaman ng lahat na hindi tunay ang Emperor?” tanong ni Prince Teiran sa kanya.
Lumingon si Airleya, kay Prince Teiran. “Why are you asking me?”
“Ikaw ang leader, namin.” simpleng sagot ni prince Teiran sa tanong niya.
Napakurap nang mata si Airleya ng ilang beses, dahil sa narinig niya.
“Ha? Ako?” turo niya sa kanyang sarili.
Matapat na nakatitig ang apat na pares na mga mata sa kanya, na hindi niya napigilang mapanganga at mapasinghap, dahil hindi niya akalain na leader ang turing ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...