⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.
Chapter XXII
MALAKAS NA SAMPAL ang dumapo sa pisngi ni Airleya ng makapasok siya sa silid trabahuan ng kanyang ama. Ang ama niya na si Count Ralphus mismo ang sumampal sa kanya na hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit siya sinampal ng ama.Nasa likuran niya ang kanyang madrasta at kasama nito ang tatlong anak na nakangisi pa sa kanya na parang ngiting tagumpay ang ginawa nila. Halata sa mukha nila na satisfied ang mga ito dahil sa ginawa ng ama niya.
Kakagaling niya lang sa bayan kung saan sila ng Prinsepi ang nagpatumba sa mga kalaban.
“My Ralphus, hindi mo kailangan umabot sa ganito. Ayos lang talaga ako. Pinapatawad ko na ang anak mo.” anang madrasta niya na lumapit pa sa ama niya at ipinulupot ang mga braso sa braso ng ama niya.
Sa napapansin niya sa kanyang ama, tila may kakaiba dito. At isa lamang ang nasa isip niya dahilan para magkaganito ang ama niya. May ginawa ang madrasta at mga anak nito sa ama niya, habang wala siya.
“Pwede mo bang sabihin sa akin pa, kung ano ang sinabi sa iyo ni stepmother?” tanong ni Airleya sa ama niya.
“Apologized to your mother, Saina.” imbes na sagutin ng Count ang tanong sa kanya ni Airleya. Iba ang lumabas sa bibig nito dahilan para mapunta ang titig ni Airleya sa madrasta niya at sa tatlong anak nito.
Ngumiti si Airleya, dahilan para sabay mapakunot ang noo ng anak ni lady Aghamora at pati ito sa kanya.
Mahinang natawa si Airleya, pero kahit natawa siya hindi siya sinaktan ng ama niya. Para itong robot na sumusunod sa oras na pinagana.
“At anong tinatawa-tawa mo ha?! Dad, inaaway kami ni Airleya! Parusahan niyo siya!” singhal ni Charlestina, dahilan para kumilos ang ama niya para sana siya ay sampalin ulit pero hindi niya na iyon pinayagan na sampalin siya ulit.
“Spirit of Air, feathers and winds.
Your power animates all life
and populates all spaces.
I call you forth to take my father's consciousness.
In the ebb and flow of your eternal
words: Clarity, strength, harmony.
Spirit of Air, spirit of wisdom,
I call you now.” bigkas ng pananalangin ni Airleya at kaagad na nawalan ng malay ang ama niya. Bago pa man matumba ang ama niya ay pinalutang niya ito gamit ang kapangyarihan niya.Hindi nakabawi sa gulat si lady Aghamora dahil sa ginawa ni Airleya. Bago pa man niya naisipan na hawakan ang kamay ng Count ay malakas na sampal ang dumapo sa kanya, kabila't kanan ang sampal ni Airleya dahilan para mamula ang pisngi nito. Na kaagad siya tinulak ni Mavietta pero hindi iyon sapat para mapatumba si Airleya ng tulak ni Mavietta.
“How could you did this to our mother?!” galit na sigaw ni Charlestina na gustong sampalin nang malakas si Airleya pero kaagad itong tumalsik at dumapo ang katawan nito sa bookshelves. At dahil doon nahulog ang mga libro sa pinaglalagyan.
“Mother? Nanay niyo yan, hindi ko yan nanay. Hep! Stop. Kung ayaw mong chop-chopin ko ang katawan mo ” pagbabanta ni Airleya kay Rune ng makita niya itong gumalaw.
Pero imbes na sumunod ito, inatake siya nito at naglaban ang dalawa nang pisikalan.
“Argh! You —”
“Shut up.” malamig na sambit ni Airleya at malakas na sinipa ang mukha ni Rune na parang bola.
“Ang babaw naman bg kasiyahan niyo. Todo na yan? Pinorga niyo ba ng manipulation potion ang papa ko? Huluan ko, oo no?” aniya sa mag-iina.
BINABASA MO ANG
AIRLEYA
FantasyWhen the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to continue her life as Airleya the daughter of a Count. A life that anyone dreams of having this life...