XXVII

4.8K 129 3
                                    

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story.

Chapter XXVII

“KUMUSTA ANG kuya mo?” tanong ni Airleya kay Silver.

“I dont know. Parang may trauma yata siya sa nangyari sa kanya.” sagot ni Silver, habang naglalakad sila patungo sa silid ng kapatid niya.

“Buong gabi hindi iniwan ni prince Tyzon, si kuya Kill kahit panay ang sigaw at pagwawala ni kuya, dahil sa nangyari sa kanya.” dagdag pa ni Silver, na nakayuko ang ulo.

Hindi maiwasan ni Airleya na hindi malungkot. “Sorry kung wala akong nagawa.”

Kaagad na umangat ng ulo si Silver dahil sa narinig niya kay Airleya.

“Ha? Hindi mo kasalanan, Leya. Hindi ka namin sinisisi. At hindi kami galit sa iyo.” pagtatama ni Silver, sa kanya.

“Ako din. Sorry din Silv, kung wala akong naitulong sa iyo.” biglang sabad ni Willow, na kasama nila.

Makalipas ang tatlong taon, kompleto na rin silang magkakaibigan.

“Anyare sa inyo, bakit kayo nasi-hingi ng sorry? Seryuso wala kayong kasalanan. Kaya h'wag kayong ma-guilty na para bang kasalanan niyo. Kung may dapat man pagtuonan ng galit namin, iyon ang fake Emperor.” seryusong sambit ni Silver at dumilim ang mukha nito dahil sa ginawa nito sa kapatid niya


Pagkarating ng tatlong babae sa silid ni Killian, bumungad sa kanila ang doktor na sumuri sa kalagayan ni Killian sa umagang iyon.

Huminga ng malalim ang doktor na kagabi. Napansin ni Airleya na may parang gustong sabihin ang doktor sa pamilya, pero hindi nito magawang sabihin. Nasabi na kasi ng doktor ang kalagayan ng anak nila at nakahinga ng maluwag ang Duke at ang Duchess sa narinig.

“Kung may good news, may bad news. So ano ang bad news, doc?” tanong ni Airleya sa doktor dahilan para mapalingon mismo ang doktor sa kanya, lahat nang pares ng mga mata na kay Airleya at sa doktor.

“May karapatan ang Duke at Duchess na malaman ang totoo.” dagdag ni Airleya na seryusong nakatitig sa doktor na kaagad yumuko ng ulo.

“Maru, ano yun?” tanong ni lady Selena sa doktor.

Napalabi ang doktor at mariing napapikit ng mata, bago umangat ang mukha nito at mata sa mata na nakipagtitigan sa Duke at Duchess.

“I saw a laceration on lord Killian. . .” anang doktor at napalabi. Halata sa mukha nito na ayaw sabihin ang parting nalaman niya.

“What do you mean? Laceration?” kunot noo'ng tanong ng First Prince sa doktor. Buong gabi nasa tabi ni Killian ang Prinsepi. Ni hindi nito hinayaan na mag-isa si Killian lalo na nung nagwala ito kagabi.

“ANSWER ME!” sigaw ng Prinsepi sa doktor ng hindi ito sumagot sa tanong niya.

“May gumahasa kay lord Killian, sa reaksiyon ng doktor mukhang hindi lang iisang tao ang gumawa ng panggagahasa kay Lord Killian. Say Doc. Vince, gang rape po bang ang nangyari kay lord Killian?” tanong ni Airleya, sa doktor. Dahilan para mapatitig ang lahat sa kanya.

Mabagal na tumango ng ulo ang doktor.

Dahil sa narinig, biglang nahilo ang ina ni Silver mabuti na lamang ay nasalo ni Duke Damian ang asawa niya, at kaagad niya itong binuhat at pinasunod ang doktor patungo sa silid nila.

Umigting ang panga ni Gelal at ng Prinsepi sa nalaman. Hindi sila makapaniwala na ganito ang sasapitin ni Killian sa kamay ng fake Emperor.

“I will kill him!” galit na sambit ni Prince Tyzon na aalis na sana para gawin ang sasabihin nito nang bigla na lamang siyang pinigilan ni Airleya na lumabas ng kwarto.

“You have no reason to kill him, Your highness.” kalmadong sambit ni Airleya sa kanya.

“ Anong walang rason? Hindi pa ba yan ang rason?!” sigaw ni Prince Tyzon kay Airleya, habang nakaturo ang kamay kay Killian na walang malay.

“I mean evidence.” ani Airleya na may ngiti sa labi.

“Hindi ito ang oras para mag-joke ka, lady Airleya!”

“At hindi din ito ang oras para patayin ang fake Emperor. . .Papatayin mo ang Emperor? Sa tingin mo matatalo mo 'yun?  At saka ang dapat mong patayin ay yung gumawa niyan sa kanya.” ani Airleya, sabay turo kay Killian.

Tumango naman ng ulo sina Silver at Willow bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Airleya.

“Tama si Airleya, Your highness. Nakatakas ang mga taong nasa likod ng gumawa kay Kuya Kill. At sa kanila mo dapat ihanda ang sarili mo. At ang Emperor? Sa amin siya. Walang gagalaw sa fake Emperor kundi kami lang.” sabad ni Silver.

“At kung binabalak mo na hanapin ang gumahasa kay lord Killian. Mag-isip ko po muna. Wala kang ideya kung saan mo mahahanap ang mga gumahasa kay lord Killian. Ni mukha nga hindi mo alam.” dagdag pa ni Willow ng mabasa niya ang iniisip ng Prinsepi.

“So ano ang gagawin ko? Maghintay? Kailan? Naghihirap si Kill, dahil sa kani—”

“Manatili ka sa tabi ni Kill, Prince Tyzon.” biglang sali ni Gelal.

“Sang-ayon ako sa ideya ni lord Gelal. Lalo pa't itinuturing ka nang pariah sa Agracia. Hinahanap ka na ngayon ng mga tao para ipatapon ka sa malayo dahil sa nalaman nilang tunay na relasyon niyo ni lord Killian.” saad ni Airleya para hindi maka-imik ang Prinsepi.

“Kanina lang lumabas ang balita tungkol sa tunay niyong relasyon. At makalipas ang isang oras, isa ka nang pariah ng Imperyo.” dagdag ni Silver.

“At sa mga oras na ito, alam ng mga makikitid na utak na mga taong ito kung nasaan ka. Pero kahit na alam nila na nandito ka, Your Highnesss, ligtas ka parin dito sa teritoryo ng Silverio.” ani Willow, at nagkatinginan ang tatlong babae sa isa't -isa.

“Manatili ka muna rito, kuya.” sabay bumaling ang mga tao sa loob ng silid sa balkonahe ng marinig nila ang pamilyar na boses. At bumungad sa kanila ang second prince na may bitbit na dalawang maleta na hawak ng Prinsepi sa kabila at kanang kamay nito.

“Dinala ko na rito ang mga gamit mo na inihanda ng ating ina para sa iyo.” dagdag pa bg pangalawang prinsepi.

“At huwag kang mag-alala, lilinisin ko ang pangalan mo. At wala ni sinuman ang makakapagpa-alis sa iyo sa Agracia. Tatapusin ko na ang pagpapanggap.” ani prince Teiran dahilan para tumaas ang sulok ng labi ni Airleya.

“Good. Tell them, na ikaw ang real crown prince. Ito na ang tamang panahon para malaman ng lahat na ikaw ang Crown prince, at sa pamamagitan niyan. Mapupunta ang mga katanungan sa Fake Emperor.” ani Airleya at lumingon sa malaking bintana ng makita niya si Kaan na nakasakay sa higanteng phoenix, bago binalik ang tingin niya sa lahat.

“Lord Gelal, pwede ba naming mahirap ang guest room niyo? Kailan naming mag-usap na lima.”

At sa araw na iyon, sinumulan na nina Airleya ang pagkilos nila sa pagtullas ng sekreto tungkol sa tunay na katauhan ng fake Emperor at sa misteryosong pagpapakilala ng mga diyos sa kanilang lima.

______________________________________

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon