V

8.7K 265 0
                                    


⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.


Chapter V

HINDI NAPIGILAN ni Airleya, na hindi lumaki ang mata niya at mapanganga ng paulit-ulit niyang tinitigan ang inihanda niyang long quiz para kay Kaan.

Ang akala niya ay aabutin pa ng ilang araw o linggo bago matapos ni Kaan basahin ang limang libro na hinanda pero ng sabihin nitong tapos niya nang basahin ang limang libro na hindi man lang sila inabutan ng takipsilim. Hindi maiwasan ni Airleya na mamangha dahil sa bilis ng pagbabasa niya, at mas lalo siyang namangha ng makitang lahat tama ang sagot na isinulat ni Kaan sa bawat tanong.

Umangat ang tingin ni Airleya kay Kaan.

“M-may mali po ba Lady Air—”

“I told you to call me ate, Kaan.” putol ni Airleya kay Kaan.

Napakagat labi naman si Kaan, at yumuko ng ulo. Hindi sa ayaw niyang tawagin na ate si Airleya na parang kapatid ang turing sa kanya, nag-aalangan siya dahil sa istado ng buhay na meron siya.

“Pero—” umangat ang ulo ni Kaan, upang magsalita pero pinutol ulit iyon ni Airleya.

“Kaan.” may pagbabanta sa boses nito.

Napalunok ng sariling laway si Kaan, bago tinawag si Airleya sa gusto nitong itawag.

“A-ate.”

Kaagad na ngumiti si Airleya, ng marinig niya na tawagin siya ni Kaan na ate. Nanginginig pa ang boses ng lalaki na kaagad yumuko ang ulo.

“A very cute giant baby.” sambit ng isipan ni Airleya.

“Kaan, segurado ka ba na hindi ka nag-cheat?” tanong ni Airleya, kahit pa alam niyang malabong nag-cheat si Kaan dahil nasa harap mismo siya ni Kaan ng sagutin ni Kaan ang ginawa niyang long quiz.

Umangat ang ulo ni Kaan, saka mabilis na umiling. “Hindi po ate! Paano ko naman iyon gagawin? Nasa harap po kita. At saka memorize ko po lahat ng nakasulat ang bawat pahina ng libro na nabasa ko.”

Napakurap ng ilang beses si Airleya, dahil sa huling sinabi ni Kaan. Saka mabilis na kinuha ang libro, at binuklat ito. At sinubukan niyang i-pabigkas niya dito ang napili niyang pahina.

Nang matapos bigkasin ni Kaan, ang unang talaga, kaagad niyang sinara ang aklat dahilan para mapatigil si Kaan. Sinunod naman ni Airleya ang isang aklat at pinabigkas ulit ang napili niyang pahina sa aklat na iyon.

Hindi napigilan ni Airleya, na hindi pumalakpak, dahil sa pinapakitang katalinuhan ni Kaan sa kanya.

Mabilis itong natutong magbasa, magsulat, at magbilang ng isang araw. Hindi akalain ni Airleya na may tinatagong talino si Kaan na hindi pa nadidiskubre ng iba o kahit si Kaan.

“Bravo! Genius! Genius ka Kaan!” sambit ni Airleya dahilan mamula sa hiya si Kaan.

“. . . A-ate, a-ano po ang sinasabi niyo?”

“Kaan, gusto mo bang mag-aral?” pag-iiba ng usapan ni Airleya.

Ayokong masayang ang talino dito ni Kaan, dapat may paglalagyan ang katalinuhan niya.” wika ng kanyang isipan sa kanyang sarili.

“Nag-aaral na po ako—”

“Ang ibig kong sabihin, gusto mo bang mag-aral sa Imperial Academy?”

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon