Sofia's POV
Ilang araw na niya akong di pinapansin.
*Lagi siyang kumakain sa restaurant sa baba.
*Pag nandito naman siya, natutulog nalang siya.
Ako naman, laging kumakain ng mag-isa, hindi ako lumalabas sa room namin at naging libangan ko na ang panonood ng tv.
*sigh* huling araw na namin ito, mamayang hapon aalis na kami...
Bumaba na naman siya, para kumain. Lagi ko siyang inaalok na dito na kumain pero tinatanggihan lang niya.
Hindi ko pa nalilibot ang resort na ito. Nabo'bored' narin ako.
Mamasyal kaya muna ako?
Pero paano 'pag hanapin niya ako?
Yayayain ko nalang siya mamaya...
Pagkadating niya...
"Pack your things, we're leaving" sabi niya
"Pero mamaya pang hapon dapat tayo aalis diba?" tanong ko
"Pinapauwi na tayo ni La. Pack your things now, nandito na yung susundo sa atin" ma-owtoridad niyang sabi
Nang nasa kotse na kami...
Napakatahimik.
Nakakalungkot lang na kahit ilang araw kaming nagkasama, wala paring progress sa pagsasama namin bilang mag-asawa, mas naging worst pa nga ata.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.