Sofia's POV"Sis, uwi na ako. Ayaw sana kitang iwan kaso biglang sumakit 'tong ulo ko" biglang paalam ni Grace sa akin
Biglaan naman ata ang pagsakit ng ulo niya? Parang kanina lang wala siyang iniindang sakit... ang sarap nga ng kwentuhan namin eh.
Nagtataka man ay...
"Sige, sis" sabi ko nalang
"Hintayin mo nalang ang asawa mo dito sis... Sorry talaga ha"
"Oo, hindi na naman siguro siya matatagalan. Ikaw talaga, okay lang yun, basta uminom ka ng gamot pag-uwi mo sis" nakangiting sabi ko sa kanya
Baka hindi na naman kasi siya uminom ng gamot. Hindi kasi siya naniniwala sa mga gamot simula ng mamatay ang mga magulang niya dahil sa sakit. Ang sabi niya noon sa akin, walang kwenta daw ang mga gamot dahil mismong mga magulang niya hindi napagaling nito. Kadalasan madaming tubig lang ang iniinom niya para mawala ang mga iniinda niyang sakit. Sa awa ng Diyos hindi pa naman siya nagkakaroon ng malubha o malalang sakit.
"Itutulog ko nalang sis. O siya sige na... bye sis!" paalam niya tsaka nagmamadali nang umalis
Zayn's POV
"Sir, nandito po si Mr. Devila"
Upon hearing that bastard's name. I hurriedly walk out the room...
I want to kill that bastard!
Ang kapal ng pagmumuka niyang pumunta dito, matapos ang lahat ng ginawa niya, may mukha pa siyang iniharap?!
Sisirain ko ang pagmumuka niya!
"Sir!" tawag ni Nick, pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad
"Sir! Please, huwag po ngayon, birthday po ni madam!"
This time, napigilan niya na ako dahil sa paghawak niya sa braso ko.
"Sir, kailangan niyo pong maghinay-hinay, birthday po ni madam, sigurado pong magkakagulo" paalala niya
Kung kanina hindi ako aware sa paligid ko dahil sa kagustuhan kong mapatay ang bastardong iyon, ngayon medyo kumalma ako dahil sa sinabi ni Nick.
Ayokong sirain ang espesyal na araw ng lola ko.
Sofia's POV
Ang tagal naman ni Zayn. Kanina pa siya umalis, hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik.
Wala pa naman akong kilala dito. May kausap kasi si granma, tapos yung kapatid naman ni Grace na si Brylle umuwi narin kasama si Ross... yung kaibigan ni Zayn.
"Hey! there beautiful"
Napatingin ako sa biglang tumabi sa akin.
Isang lalakeng nasa 40's na ata ang edad.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, tsaka niya ito iniangat at balak hagkan nang... may isang kamay ang pumigil rito. Napaangat ako ng tingin upang tignan kung sino ang may-ari ng kamay na iyon.
"Get off your dirty hands on my wife. And don't you even dare to kiss any inch of her skin. Stay away from her." matigas na sabi ni Zayn sabay hablot sa kamay ko mula sa lalake
Nakakaramdam ako ng tensyon. At nananayo ang mga balahibo ko dahil sa nakikita kong itsura ngayon ni Zayn... para siyang papatay ng tao.
Zayn's POV
The moment I saw him holding my wife's hand and he's even about to kiss her hand...
A memories of past... flashback in my mind.
How could I forget that day when that bastard rape my mom infront of dad and me. And he even killed them.
Matagal kaming nagpalitan ng mga nakamamatay na tingin bago siya biglang tumayo.
"Kamusta! Pamangkin" he said while smiling
I can see an evil still even if he's smiling.
Those smiles that says; I won, all of you lose.
Agad kong tinabig ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko.
"Wala akong kamag-anak na demonyo" matapos kong masabi iyon ay agad na akong tumalikod at umalis hila-hila si Sofia.
Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko... Gustong-gusto ko na siyang patayin... Iparanas sa kanya ang lahat ng kahayupang ginawa niya sa pamilya ko.
Sofia's POV
Ang sakit ng pagkakahawak ni Zayn sa kamay ko habang ang bilis pa niyang maglakad palabas.
Nang sa wakas makarating na kami sa may kotse... binitiwan na niya ang kamay ko na agad ko namang minasahe.
"What were you thinking?! You'll let that man kiss you?!"
Napatalon ako ng kaunti dahil sa pagkagulat ko sa biglaang pagsigaw ni Zayn sa akin.
"Hi-hindi" nauutal kong sagot
Natatakot ako sa kanya.
Ibang-ibang Zayn ang nakikita ko ngayon. Para siyang leon na gustong manakmal ng bawat makakasalubong niya.
"Arrgh!!! Fuck!" galit na sigaw niya at sinipa ang sasakyan sa may gulong nito
"Get inside" utos niya habang nakapikit
Agad naman akong pumasok sa kotse.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Sana naman bumalik na siya sa dati. Ayoko ng Zayn na nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.