Sofia's POV
Pupungas-pungas ang mga mata ko... kinusot ko ng kaunti ang mga mata ko at napakurap ng ilang ulit. Pagkatapos ay napatingin ako sa orasan na nasa bed-side table...
8:00 am
O_O Naku!
Dali-dali akong nagtungo sa cr dito sa kwarto.
Matapos kong maghilamos at magtoothbrush... lumabas na ako agad mula sa kwarto at nagtungo na ako sa may kusina.
Nang makarating ako sa may kusina, napansin ko agad ang nakahandang almusal sa ibabaw ng lamesa...
"Good morning! Ipinaghanda na kita ng agahan" nakangiting sabi niya
"Good morning din. Sorry... late na ako nagising... Nakakahiya ikaw pa ang nagluto, tungkulin ko ito dapat bilang asawa mo" napakagat labing nahihiyang sabi ko at napatingin nalang sa hinanda niyang almusal
"Huwag kang magsorry, naiintidihan ko naman kung bakit ka late nagising. Pinuyat tayo ni La kagabi dahil sa pagkukwento niya... pasensiya ka na ha, ganun talaga si La, hindi nauubusan ng kwento" natatawang sabi niya
Napatingin ako sa kanya at napangiti nalang.
Napatitig ako sa mga mata niya, ganun din siya. Nagkatitigan kami...
*_* My toes are getting weak. I'm melting.
Ilang saglit lang yun dahil nag-iwas agad siya ng tingin sa akin.
"Uhm... you eat" sabi niya
"Ikaw? Di ka ba kakain?" tanong ko
"Tapos na ako. Anyway, aalis ako" sabi niya
"Uhm... o-k... salamat sa breakfast" nakangiting sabi ko
Ngumiti lang siya...
"Sige. I'll go ahead" paalam niya
Ngumiti lang ako bilang sagot.
Atsaka na siya umalis.
Pagkaalis niya, naupo na ako at nagsimula nang kumain.
••••••••••
Zayn's POV"I'm here 'cause... I just want to ask... how's my grandmother, doctor?" I frankly ask our family doctor
Hindi ako makatulog kagabi... bukod sa hindi pa ako sanay sa couch matulog, nag-aalala ako kay La, parang may tinatago siya(?) Kahit na nung nasa america pa ako, madalas niya akong payuhan ng kung ano-ano kung sakaling mawawala daw siya. Kaya napagpasyahan kong tanungin ngayon ang family doctor namin na si Dr. Rex Ring.
Bigla siyang namutla pero agad ding nakabawi...
"She's, fine iho" nakangiting sagot niya
"Really doctor?" nagdududang tanong ko ulit
"Ye-es" may kasamang tangong sagot niya
I sigh...
"Why you suddenly ask iho?"
"She's acting weird.(I pause for awhile) It's like, she's teaching me how to live without her" sagot at paliwanag ko
"Iho it's normal. I mean, she's just concern about your future. Hindi mo naman kasi masasabi kung kailan kukunin ng panginoon ang buhay natin..." seryosong saad niya
"I understand. But please tell me if there is something wrong about the health of my grandmother" paki-usap ko
"O-ok iho" nag-aalangang sagot niya
"Thank you doctor" pasalamat ko
Sana nagsasabi talaga siya ng totoo.
Matapos kong makipag-usap kay Dr. Ring, nagpaalam na ako at agad na akong umuwi.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.