Sofia's POV
Pagka-alis ni Zayn papunta sa opisina. Agad akong naligo at nagbihis tsaka binilin ko si Nancy na siya na muna ang bahala dito sa bahay.
Sumakay ako sa isang taxi pagtungo sa bahay nila Grace.
Pagdating ko sa may harap ng subdivision nila... nagbayad ako sa driver at bumaba na ako sa may taxi.
Pinapasok naman ako ng guard dahil marahil ay kilala na niya ako... ilang ulit narin kasi akong nagpunta dito kasama si Grace mula nung high school, natigil lang nung grumaduate na kami sa college.
Matapos ng ilang sandali kong paglalakad... nakadating narin ako sa harap ng bahay nila Grace.
Kumatok ako pero walang sumagot.
Siguro tulog pa siya... Wala rin kasi ang kapatid niya, umalis na daw kahapon papuntang America.
Tinignan ko ang ilalim ng door mat...nagbabakasakaling nandito parin yung duplicate key ng bahay nila.
Matapos kong makuha yung susi. Ipinasok ko na ito sa keyhole tsaka binuksan ang pinto. Isinarado ko rin ito nang makapasok na ako.
Umakyat ako sa taas. Kumatok ako ng ilang beses sa pinto ng kwarto ni Grace, bago ko ito binuksan...
Naabutan ko siyang nakahiga parin.
Naupo ako sa kama niya...
"Sis, gumising kana" sabi ko sabay yugyog sa balikat niya
"Sofia gusto ko pang matulog" sabi niya habang nakapikit
"Grace, please... bumangon ka na diyan, kailangan ko ng makakausap"
Kailangan ko lang ng kaibigan na makikinig sa problema ko ngayon at magkocomfort sa akin.
Napamulat siya ng mga mata niya tsaka siya napaupo...
"Sis... bakit anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya
"Si Zayn kasi" panimula ko
"Bakit anong-----"
*Bragg*
"Fuck!"
Sabay kaming napatingin ni Grace sa may bandang kabinet na pinanggalingan ng ingay na 'yon...
O.O Ross?
Nakatulala lang ako sa lalakeng hubad na nakaupo o napaupo ata(?)
Papatayo na siya nang takpan ni Grace ang mga mata ko gamit ang kamay niya.
"Go to the bathroom, now!" pasigaw na utos ni Grace rito
Pagkapasok ni Ross sa banyo dito sa kwarto, tinanggal na ni Grace ang kamay niya mula sa pagkakatakip ng mga mata ko.
Napatingin ako sa kanya...na sobrang pula na pala ng mukha.
Grace... Grabe, anong ginagawa niya dito? At ngayon ko lang napansin na wala siyang saplot maliban sa yakap niyang kumot.
"Sis, uhm... hintayin mo nalang ako sa baba. Magbibihis lang ako saglit"
Tumango naman ako bilang sagot bago ako lumabas sa kwarto niya at nagtungo sa baba.
>>>>>
"Ahhh! Aray!" rinig kong sigaw ni Ross mula sa loob ng kwartoAno kayang nangyayari sa dalawang 'yon?
Matapos ang ilang minuto bumaba narin si Grace.
Naupo siya sa tabi ko.
"Sis, bakit-----"
"Shh... saka na ako magpapaliwanag. Unahin na muna natin yung problema na ipinunta mo dito. So, anong problema niyo ni Zayn?" pagputol niya sa itatanong ko sana
"Magdi-divorce daw kami after two years of our marriage" malungkot na sabi ko
"Sis, hindi ko gustong saktan ka pero alam naman nating walang nararamdamang pagmamahal yung tao sa'yo"
"Tama ka sis. Pero ayokong makipaghiwalay. Alam mong mahal ko siya... handa akong gawin ang lahat matutunan niya lang akong mahalin. Sis, please tulungan mo ako" pagmamakaawa ko sabay hawak sa magkabila niyang kamay
"Eh... anong tulong naman yun sis?"
"Yung tungkol sa pangse-seduce" sagot ko
"Sofia, hindi mo makukuha si Zayn sa ganyang paraan"
Napatingin naman ako sa may likod ko, kung saan nanggaling ang boses na'yon. Si Ross na nakadamit na.
"Hoy, huwag ka ngang sumabat. Usapan namin ito ng kaibigan ko" galit na sabi ni Grace dahil sa pagsabat ni Ross
"Tss... hindi ikaw ang kinakausap ko, pop" -Ross
"Urghh... umalis ka na!" sigaw ni Grace rito sabay bato ng nalukot na papel mula sa center table
"Aray!" daing ni Ross nang matamaan siya sa mukha
"Napakaselosa mo talaga. Plano mo pang sirain ang mukha ko para lang walang ibang babae ang lumapit sa akin. Huwag ka mag-alala, simula ngayon ikaw lang ang mamahalin ng gwapong ito*wink*"
Napangiti naman ako sa linyang binitiwan ni Ross.
"Umalis ka nalang... pwede? O baka gusto mo pa nang isa" banta ni Grace rito sabay kuha ulit ng nalukot na papel sa center table
"Eto na nga aalis na, pop. Pero bigyan mo muna ako ng kiss *pout*" sabi niya tsaka ito lumapit kay Grace
"Sige, hahalikan ka ng kamao ko, pag dika pa umalis" babala ni Grace rito
"Tss... okay aalis na, bye. Bye, Sofia" paalam niya
"Bye" paalam ko din bago siya nagtungo sa may pintuan
Papalabas na siya sa may pintuan nang bigla siyang huminto. At lumingon ulit.
"By the way, you don't need to seduce him. You just need to earn his trust, Sofia" sabi niya bago siya lumabas at isara ang pinto
Napa-isip naman ako sa payo ni Ross...
Hindi pa naman ako gumawa ng dahilan para masira yung tiwala niya sa akin. Pero may tiwala ba siya sa akin? Meron naman, siguro?
"Gusto mo ba talagang ituloy 'yon sis?"
Napabalik ako sa realidad nang magsalita si Grace.
Napatingin ako sa kanya at...
"Oo, sis. Gusto kong gawin ang lahat ng pwedeng paraan para magbago ang desisyon niya"
"*sigh* Okay tutulungan kita, sis" nakangiting sabi niya dahilan para mayakap ko siya
"Thank you, sis" pasalamat ko sa kanya
"Naku, sis. Tsaka mo na ako pasalamatan pag nagtagumpay na yung plano natin" sabi niya na ikinangiti ko
*krugg*
Napahiwalay ako sa yakap nang biglang tumunog yung tiyan niya.
"Uhm... kain muna tayo sis. Tara sa kusina. Gutom na ako" nahihiya pero nakangiting sabi niya
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.