Chapter 32.2

6.7K 108 3
                                    

Sofia's POV

Hapon na nang matapos kami ni Grace sa pamimili ng mga gamit ko para sa plano namin o plano ko.

Ang dami ng mga pinamili namin: mga damit na karamihan ay dress...na maiiksi, sleeveless at backless; Tatlong wedge sandals; Mga make-up kit; At ang pinakamahal... lingerie... three pairs ang kinuha namin.

Hooo! Sobrang pinagpawisan ako sa pamimili sa huli. Habang pumipili kasi ako, naiimagine ko ring suot ko yun.

Muntik na akong magback-out. Kaso naisip kong... mas hindi ko kakayanin kung mawawala si Zayn sa buhay ko.

"Ma'am, mabuti at nandito ka na. Nasa sala po si madam" balita ni Nancy nang pagbuksan niya ako ng pinto

"Ako na po magdadala sa loob diyan sa mga bitbit niyo po, ma'am" sabi ni Nancy nang mapansin niya ang mga dala ko

Iniabot ko naman sa kanya ang mga bitbit ko, na kinuha naman niya agad.

"Salamat" nakangiting sabi ko

Naglakad na ako papasok sa loob habang isinarado naman ni Nancy yung pinto.

Nagtungo ako sa sala... at naabutan ko si granma na nakaupo sa may couch at umiinom ng juice... na inihanda ata ni Nancy.

"Magandang hapon po granma!" bati ko sa kanya

Agad naman siyang napangiti at tumayo mula sa pagkakaupo niya kanina.

Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"I miss you iha" sabi niya tsaka humiwalay sa pagkakayakap

"Miss ko na rin po kayo granma" nakangiting sabi ko naman

Sa mga panahon na nakasama ko siya masasabi kong mabuti siyang tao...

Napakaswerte ni Zayn sa kanyang lola.

>>>>>

"Saan ka ba galing kanina, iha?" tanong ni granma nang makaupo kami sa couch

"Sa mall po... kasama si Grace. Bumili po kami ng ilang gamit ko" sagot ko naman rito

"I hope Zayn gave you money"

"Hindi po, umutang muna po ako kay Grace" nahihiyang sagot ko

Kulang yung natitirang pera ko na dala ko kanina, kaya pina-utangan ako ni Grace. Sabi niya huwag ko na raw bayaran at regalo na daw niya ito para sa akin...pero tumutol ako at sinabi sa kanyang babayaran ko siya 'pag may pera na ako.

"Asawa ka niya dapat binibigyan ka niya ng pera. *sigh* Hayaan mo kakausapin ko siya"

"Naku, huwag na po granma." sabi ko

"*sigh* Okay. Hindi ko sasabihin sa kanya pero hayaan mo akong tumulong sa'yo. Magkano ba ang pinahiram ni Grace?"

"Nakakahiya po... huwag nalang po" nahihiyang sabi ko sabay iling rito

"Iha, parte ka na ng pamilya namin kaya tanggalin mo na ang sobrang pagiging mahiyain mo sa akin"

Pansamantala lang naman ata ang pagiging parte ko sa pamilya niyo, granma.

"Here... take this. Whether you like it or not" sabi niya sabay abot ng tseke sa akin

Kinuha ko ito at tinignan kung magkano ang nakasulat dito...

O.O

One million pesos?!

Mahigit eighteen thousand lang naman ang nahiram ko kay Grace.

"Sobra sobra po ito granma. Eighteen thousand lang po ang utang ko kay Grace" sabi ko rito sabay sauli ko ng tseke

"No, kunin mo na lang. Yung sobra, gamitin mo nalang sa susunod na gusto mong magshopping" tanggi niya sa pagsauli ko

"Umh, granma--" pagtutol ko ulit sana kaso tinignan na niya ko ng masama

"T-Thank you po" pasalamat ko nalang sabay baba ng kamay kong may hawak na tseke

"Walang anuman iha. Anyway, kaya pala ako naparito ay dahil gusto kong itanong sa'yo kung handa ka na ba sa iniaalok kong trabaho para sa'yo?"

"H-handa naman po ako. Saan po ba iyan?" tanong ko

"Sa isang hotel sa Makati. Kailangan ko kasi ng mapagkakatiwalaang manager doon... Yung manager kasi dati doon ay napag-alaman naming siya ang likod sa paninira sa imahe nung hotel, na dahilan ng pagkonti ng mga taong nagpupunta doon" pagkukwento ni granma

"Kailan po ba ako magsisimula?" tanong ko para makapaghanda ako

"Bukas na sana... kung okay sa'yo iha"

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon