Chapter 20.1

7.5K 135 0
                                    

Sofia's POV

"Zayn, may problema ka ba? Ayaw mo ba ng ulam mo?" tanong ko

Kanina niya pa kasi parang linalaro yung pagkain niya... durog na durog na yung isda na ulam niya at konti palang ang nakakain niya.

At kanina pa siya tulala at wala sa sarili, mula nang umuwi sila kanina galing sa gubat.

Di niya ata ako narinig kaya tinawag ko ulit ang pangalan niya.

Luckily, narinig naman niya.

"Ha?" tanong niya

Wala talaga ang atensyon niya sa kinakain niya.

"Ang sabi ko... may problema ba diyan sa kinakain mo o ayaw mo ba ng ulam? May galit ka ba sa pagkain mo?" tanong ko sabay turo ko sa pagkain niya sa may plato niya

"Wala, uhm... sorry. Wala lang siguro akong gana" sagot niya tsaka uminom ng tubig

"Would you please excuse me, Sofia. I just need to go to the comfort room" sabi niya tsaka tumayo

Tumango nalang ako bilang sagot.

Nang makaalis na siya... Nagtungo ako kung nasaan si tay... ipinabantay ko na muna kay nay ang mga pagkain namin. May gusto lang kasi akong tanungin.

"Tay, ano pong nangyari kanina?" tanong ko kay tay, pagkalapit ko

"Anong ibig mong sabihin anak?" balik tanong ni tay

"Simula po kasi ng dumating kayo kanina... Parang wala na po sa sarili niya si Zayn, parang may problema po siya" paliwanag ko

"Wala namang nangyaring masama kanina, sa awa ng diyos. Pero... naabutan ko siya kanina sa isang abandonadong bahay sa gubat... malapit sa kinamatayan ng lola mo"

Nang dahil sa nabanggit ni tay... bigla kong naalala si lola. Hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung ano talagang nangyari sa kanya noon... hindi namin alam ba't siya nagpunta doon nang araw na'yon.

Ang sabi sa akin ni tay noon... natagpuan daw ang bangkay ni lola sa gubat. Tama ng baril sa puso nito ang agaran niya daw ikinamatay sabi nila. Hanggang ngayon hindi namin alam kung sino ang gumawa nang ganoon kay lola.

"Anak, alam kong nag-aalala ka para sa asawa mo pero hindi mo siya mapipilit kung ayaw niyang sabihin sa'yo ang problema niya. Ang sa tingin kong magagawa mo lang tanging ngayon ay ang maging nandyan para sa kanya. Intindihin, alagaan mo siya at pasayahin mo siya kung magagawa mo... basta gawin mo ang responsibilidad mo bilang kabiyak niya"

Napangiti ako sa payo ni tay at niyakap siya.

"Salamat po, tay" pasalamat ko, matapos ko siyang yakapin

"Wala yun anak. Basta huwag ka nang mag-isip ng kung ano-ano, makakasama yan sa apo ko"

O.O

"Tay!"

"Joke lang anak, pinapangiti lang kita. Pero, wala pa ba talaga?" natatawang sabi ni tay

Wala pa po tay dahil hindi pa naman namin ginagawa 'yon, ni halik nga wala eh. Gusto ko sanang isagot pero nahihiya ako. Ang alam siguro nila ay okay kami ni Zayn bilang mag-asawa.

"Wala pa po tay" sagot ko sabay iling

Zayn's POV

Nang mai-lock ko ang pinto ng cr. ... Agad kong inilabas ang phone ko at isinend kay Nick, ang mga kuha kong picture sa bahay na 'yon.

Matagal kong hinanap ang bahay na 'yon.

Nung pumunta kasi kami noon doon... halos hindi ko matandaan ang daan. Pero sigurado akong iyon ang matagal ko nang hinahanap na bahay.

I dialled Nick's number to call him.

["Hello po, sir"]

"Natanggap mo na ba yung isinend kong mga pictures?" tanong ko

["Opo. Para saan po ba ang mga ito sir?"]

"Sabihin mo sa mga imbestigador natin na alamin kung sinong may-ari ng bahay na 'yan"

["Yes, sir... masusunod po"]

"Good. Itetext ko nalang yung address at kung anong pangalan ng gubat na'yon. Bye"

["Okay po, sir. Bye"]

Then I ended the call

Alam kong hindi ito magiging madali para sa akin pero kailangan kong pagbayarin at panagutin ang lahat ng mga taong 'yon. Tama na ang ilang taon na pagiging masaya nila.

It's time for them to pay their debt.

I want to have justice for what had happened to us.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon