Chapter 22

7K 118 0
                                    

Zayn's POV

"Sorry po talaga ma'am, sir" hinging paumanhin ni Nancy

Matapos niyang ibalita sa amin ang pagkawala ni Case.

"Kailan pa siya nawawala?" tanong ko rito

"Kahapon lang po... napansin ko nalang pong nawawala siya pagkatapos kong maglinis"

"Nagtanong ka na ba sa mga kapit-bahay natin?" tanong ko ulit

"Opo, pero wala daw po silang nakitang aso na kagaya ng paglalarawan ko kay Case" sagot niya

Napasunod ako ng tingin ng umalis si Sofia sa tabi ko at nagtungo ito sa kwarto... at hanggang sa maisarado niya yung pinto.

"Sige, umuwi ka na muna" baling ko kay Nancy

"Sorry po talaga sir" hinging paumanhin niya ulit

Tumango nalang ako at nagtungo na ako sa kwarto.



Naabutan ko siyang nakaupo sa may kama at umiiyak.

"Sofia, it's just a dog" pagpapagaan ko

"No, Zayn. Hindi siya aso lang para sa akin" may hinanakit na sabi niya habang umiiyak

Mukhang pinabigat ko lang ang lahat dahil sa sinabi ko.

Umupo ako sa tabi niya tsaka hinawakan ang kamay niya...

"I'm so sorry Sofia" panimula ko

Hindi siya umimik.

"I'll look for him. So... please don't cry" pagpapakalma ko sa kanya tsaka ko pinunasan ang mga tumutulong luha sa kanyang mga mata gamit ang kamay ko

I didn't want to see her crying...

>>>
Pagkatapos ko siyang mapakalma.

Pumunta ako sa help center ng subdivision at tinanong sila kung pwede nilang hanapin ang nawawala naming aso. Hiningi nila yung picture kaso wala akong maibigay dahil wala pa akong kinunang litrato ni Case... kahit ni isa.

Ganun pa man inilarawan ko parin sa kanila yung aso.

Pagkauwi ko, naabutan ko si Sofia na nakaupo sa may couch. Pero agad tumayo ng makita ako.

"Anong sabi nila?" bungad na tanong niya pagkasarado ko ng pinto

"Hinihingi nila yung litrato niya kaso wala ako ng litrato niya. Ikaw, wala ka bang kahit ni isang picture niya?"

"Wala eh" malungkot na sabi niya

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon