Chapter 44.2

7.5K 122 0
                                    

Sofia's POV

   "Happy new year!!!!!" sabay sabay naming sigaw ng twelve midnight na

    Matapos naming kumain ng mga handa... Natulog na sina nay, tay, lolo, grandpa at yung mga katulong dito. Yung anak din ni Grace, nakatulog na din.

  Hindi pa kami inaantok ni Grace, kaya nagtungo na muna kami sa Garden... kung saan nag-iinuman kanina sina lolo at grandpa.

  Nagdala si Grace ng wine pati narin ng isang kopita.

"Siguradong magagalit yung asawa mo 'pag uminom ka. Kaya samahan mo nalang ako sis" sabi ni Grace

  Umupo kami. Binuksan niya yung wine at nagsalin siya sa kopita. Tinikman niya ito bago niya ito inisang lagok. Napangiwi siya matapos.

  "Woah sis! Huwag mo naman masyadong damihan ang pag-inom"

"Hayaan mo ako sis. Kailangan ko ito ngayon" seryosong sabi niya bago nagsalin ulit ng wine

   Natahimik nalang ako sa sinabi niya.

  Alam kong mahirap din ang pinagdadaanan nila ni Ross ngayon. Kaya mas pipiliin ko nalang ang manahimik at makinig, dahil silang dalawa lang naman ang makaka-ayos ng kung ano mang meron sa kanila.

  Nagkuwento siya tungkol sa pagsasama nila ni Ross. Puro kamalian ni Ross ang narinig ko sa kanya.

"Pero kahit na ganon yun... Mahal ko yun sis" sabi niya

"Eh, bakit ka lumayas? Dapat hindi mo iniiwan ang taong mahal mo, diba?" sabi ko

"Nakakainis kasi siya. Hindi man lang marunong makiramdam" reklamo niya

"Ano ba kasing gusto mo? Ba't di mo nalang kasi sabihin sa kanya, sis"

"Gusto ko nang magpakasal kami. Para kasing wala siyang balak pakasalan ako. Atsaka yung Britany na yun laging nakabuntot sa kanya... Kulang nalang sundan niya sa banyo at cr" nakanguso niyang sabi

"Sis, mahal ka ni Ross" sabi ko dahil kung hindi niya mahal si Grace matagal na sana itong sumuko dahil sa pagiging matampuhin ni Grace

"Mahal? Mas ipinagtanggol niya pa nga yung babaeng 'yon. Hinayaan niya akong mapahiya sa maraming tao"

"Ha? Ipinahiya? Ano ba kasing nangyari?" naguguluhang tanong ko

"May party sila sa kumpanya nila... Inimbitahan niya akong pumunta. Tapos nagka-sagutan kami nung Britany. Then, sinampal ko siya dahil na-insulto ako sa mga sinabi niya. Balak ko pa sanang hilahin yung buhok niyang buhok ata ng mais... Kaso pinigilan ako ni Ross tapos  kinaladkad niya ako palabas"

      Nagkwento lang nang nagkwento si Grace tungkol sa pagsasama nila ni Ross. Hanggang sa napunta sa pagsasama naman namin ni Zayn.

"Sinunod ko naman lahat ng nasa libro, sis. Pero bakit wala paring epekto sa kanya?" tanong ko rito

"Sinunod mo ba talaga lahat? Maybe, you missed a page" natatawang sabi ni Grace

  Napa-isip ako.

   May isang pahina nga akong hindi ginawa... Yung may title na, Where To Touch.

  "You're right, meron pa nga akong hindi nagawa doon sa mga  nakasulat doon sa libro. Kinakabahan akong gawin 'yon, sis"

"Madali lang naman gawin ang lahat basta't may determinasyon, sis" natatawa niyang sabi

     Lasing na ata siya.

  Napatingin ako sa bote ng wine. Nakita kong ubos na ito.

"Bigyan mo lang 'yon ng inuming may papatulog. 'Pag nakatulog na...hubaran mo... huwag kang mangtitira kahit na isa. Next, itali mo yung kamay niya, gamit ang necktie niya... gaya nung nasa movie *chuckle*. Then, gamitin mo yung nabasa mo sa Where To Touch, tapos. Ganun lang. As easy as one, two, three" natatawa niyang sabi

"Pero siguraduhin mong ipuputok niya sa loob ha" pahabol pa niya

    
"Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Tara na at matulog na" sabi ko atsaka siya inakay papasok ng mansion

Nakadating kami sa sala nang biglang may pumasok mula sa main door...

Si Ross.

  Agad niya akong linapitan at...

"Ako na Sofia, salamat" sabi niya tsaka niya binuhat si Grace

"Doon na kayo sa guestroom matulog. Nandoon si Roace, natutulog na" tukoy ko sa anak nila

   Itinuro ko kay Ross yung guestroom na tinutukoy ko. Bago ako umakyat taas para pumunta narin sa kwarto ko.

  Hindi pa kaya siya uuwi?

  Kinuha ko yung phone ko. I dial Zayn's phone number.

"~Subscriber cannot be reach, please try again later~"

    *sigh* Ano kayang ginagawa niya?

   Hindi ako makatulog kaya napagpasyahan ko nalang mag log in sa Facebook.

..........

   Napatingin agad ako sa bagong nagpadala ng friend request.

Si Aurelia.

  Tinignan ko muna yung profile niya...bago yung timeline niya...

  May bago siyang post just an hour ago. Naka-public ito kaya makikita ko kahit na hindi ko pa siya na-a-accept.

Ang sabi niya...

   |Celebrating new years eve with
this hot guy... Keaton Zayn Jenares. I love you, love... Thanks for the gift😘|

   Napatingin ako sa photo... Naka-upo ito. At hawak niya yung phone niya na parang meron siyang binabasa doon... Kaya hindi nakita nang buo yung mukha niya.

   Pero alam kong siya nga itong nasa pic.

Zayn...

Bakit?

Totoo ba'to?

Para akong nanghihina. Ang sakit, sobrang sakit.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon