Chapter 20.2

7.5K 125 1
                                    

Sofia's POV

"Sofia. Saan ba tayo pupunta?" nakakunot noong tanong ni Zayn sa akin

Hinila ko nalang kasi siya kanina nang mag-imbita yung tiyo kong mamasyal. Kakauwi lang din kasi nila galing Ireland at babalik na rin sila sa susunod na araw. Kaya naisipan nila tito at ng Irish niyang girlfriend na mamasyal na ngayon.

"Mamamasyal" simpleng sagot ko sa kanya habang nakangiti

"Sofia, here" tawag ni tito sabay abot sa akin ng inihaw na pusit

Pinahinto kasi ni tita kanina si tito para bumili neto. Natatakam siguro dahil bukod nangangamoy ang linuluto ng mga nagtitinda sa gilid ng daan, matagal narin kasi nung huli silang bumisita dito.

"Ano 'to?" tanong ni Zayn nang ibigay ko sa kanya yung isa

"Inihaw na pusit" nakangiting sagot ko tsaka na ako nagsimulang kumain non

"Tikman mo, masarap 'yan" sabi ko dahil tinitignan niya lang ito

Ilang saglit lang ay kumagat naman siya doon ng konti.

Pinanood ko siya habang nginunguya niya ito... at napangiti ako ng sinundan naman niya ulit ang pagkagat nito.

"I told you" natatawang sabi ko nang sunod-sunod na ang pagkain niya nito

Ngumiti naman siya pabalik atsaka ulit kumain.

>>>

"Nandito na tayo sa kapurpurawan" anunsyo ni tito ng huminto yung sinasakyan namin

>>>>>
Nauna na sina tito sa amin kasi ang bagal namin... medyo nahihirapan kasi akong umakyat.

"What is the meaning of kapurpurawan?" tanong niya sa akin habang kumukuha kami ng mga litrato dito

"The Whitest. Tinawag siyang ganun dahil sa mga mapuputing rock formations dito" sagot ko at paliwanag ko na rin

Napatango naman siya.

Ilang saglit pa ay nag-aya na sila tito na umalis at pumunta sa ibang lugar.

Sunod naming pinuntahan ang windmills.

Ang hangin grabe. Mas mahangin ngayon kesa nung huli akong nagpunta dito, dahil sa may mga bagong katatayong windmills pala.

Mabuti nalang at naka-pants ako.

Napatingin ako kay Zayn...

Nakapikit siya. Napakapayapa niyang tignan.

Ganun lang siya ng ilang sandali... kaya naisipan kong palihim siyang kunan ng litrato.

Kaso nung tumingin na ako sa screen at handa na sana siyang kunan ng litrato... bigla naman siyang napamulat at tumingin sa direksyon ko. At nagsimulang maglakad papalapit sa akin.


"Huwag mo kong kunan ng litrato ng mag-isa" sabi niya ng makalapit na siya sa akin

Tatanungin ko sana siya kung bakit...

"Come here, beside me" utos niya... na sinunod ko naman

"Smile, okay?" sabi niya tsaka ako inakbayan

Nakatingin parin ako sa kanya habang siya nakatingin naman sa camera.


"Look on the camera Sofia, not on me" sabi niya nang mapansin na hindi ako nakatingin doon

Namula ata ako kaya napababa ang tingin ko at napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kilig na pinipigilan ko.

Sobrang kabog ng dibdib ko dahil sa akbay niya at sa sobrang lapit namin ngayon.

"Sofia" tawag niya... kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at tumingin sa camera

"Ikaw din dapat, ngumiti" sabi ko nang hindi ko siya tinitignan... bago ako ngumiti doon

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon