Chapter 5

11.8K 210 2
                                    

Zayn's POV

Nagising ako sa napakasarap na amoy...

mmmmm...

Umusod ako sa side para sundan ko yung amoy na yun nang...

*BOOGHS*

"Ouch!!!"

Ang sakit ng pagkakabagsak ko!

Napahawak ako sa balakang ko at minasahe iyon.

"Zayn!" natatarantang sabi ni Sofia na tumakbo na ata, palapit sa akin... Tsaka ako tinulungang maka-upo sa couch, pagkatapos ay umupo na rin siya sa tabi ko.

Minulat ko ang aking mga mata...

Ang labo ng nakikita ko. Kinusot ko ng kaunti ang mata ko at medyo luminaw na.

"Eto" at iniabot niya sa akin ang eyeglass ko

"Thanks" pasalamat ko at kinuha mula sa kanya yung eyeglass ko at isinuot ko iyon

"Saan masakit?" nag-aalalang tanong niya

"umm... ok na ako"sabi ko nalang

Bukod sa masakit kong likod sanhi ng aking pagkakabagsak, masakit din ang ulo ko kasi inaantok pa ako... madaling araw na kasi ako nakatulog. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa hindi ako sanay sa couch matulog.

"Anong niluluto mo?" pag-iiba ko

"Sinangag" sagot niya

Sinangag lang pala -_-

"Halika kain na tayo" aya niya sa akin

"Umm...hindi pa ako gutom"

*Krugg*

Traydor na tiyan!

"hahahahahahahaha" tawa niya

Ba't ang sarap sa tenga pakinggan ang tawa niya?

Napansin niya ata ang pagkakatulala ko sa kanya kaya tumigil siya sa pagtawa at napatingin sa akin...

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at tumayo na para magpunta sa comfort room.

°°°°°
Sofia's POV

Matapos kong maihanda ang hapag, dumating na si Zayn.

Naupo na siya sa kabilang silya at magsisimula na sanang kumain...

"Wait! Zayn!" pigil ko

"Why?" kunot noong tanong niya

"We need to pray first" sabi ko

Zayn's POV

She reminds me of my late mother.

Before, my mom always remind me that we need to pray before we eat, after we eat, before we sleep, and after you woke up in the morning. She always remind me that we need to thank God for everything.

After we pray...

"Kain na" sabi niya at linagyan na niya ng sinangag ang plato ko

"Umm... thanks" sabi ko at nginitian siya ng kaunti

"Eto, bacon" offer niya

Ngumiti lang ako sa kanya at kumuha ako ng bacon at inilagay iyon sa plato ko.

Nang matapos na kaming kumain...

Akmang maghuhugas sana ako ng pinagkainan namin ng pigilan niya ako...

"Ako na, Zayn" pagprisinta niya

"Umm... Zayn, aalis pala ako. Nagyaya kasing lumabas ang kaibigan ko" pagpapaalam niya habang naghuhugas siya

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon