Sofia's POV
Inaantok pa ako pero kailangan ko nang bumangon para pumasok sa trabaho...
Dali-dali akong nag-toothbrush sa banyo ko dito sa kwarto bago ako lumabas.
Napatingin ako sa katapat kong kwarto...
Siguro nakaalis na siya.
Hindi na kami nagkakasabay na umalis at umuwi dito sa bahay simula nang mabilhan niya ako ng bagong sasakyan...mga walong buwan narin makalipas mula nang bilhan ako ni Zayn nito.
Pagkababa ko, agad akong nagtungo sa kusina para mag-almusal na...
"Good morning po manang---" tawag ko pero napahinto ako dahil sa pagkakita ko kay Zayn na kasalukuyang nagkakape
"Good morning. Have some coffee. Wala si manang" sabi niya tsaka siya uminom ng kape, ulit
Napalunok ako dahil sa kakaibang epekto nung titig niya habang umiinom ng kape...
Napakurap ako at pilit pinakalma ang sarili ko.
"Good morning din. Ba't nandito ka pa? Baka ma-late ka na" sabi ko dahil nakapambahay parin siya
Napahinto siya sa pag-inom ng kape at nakunot-noo... At biglang siyang napangiti.
Ano kayang nakakangiti? Pinaalalahanan ko lang naman siya sa trabaho niya.
Pero, nabuo na yung araw ko dahil sa ngiti niyang 'yon.
"It's saturday, Sofia" sabi niya na lalo pang nagpangiti sa kanya
Napaisip ako sa sinabi niya...
Sabado ngayon?
Napasapo nalang ako sa ulo ko... nang mapagtanto kong tama siya.
"You must have been tired. Is everything okay at hotel?" may bakas ng pag-aalala sa boses niya
"Yeah... I mean, everythings fine, don't worry about it." sagot ko
"Ikaw, okay ka lang ba?"
It's very nice of him to ask that.
"I'm okay... a little bit tired, parte lang naman yun ng trabaho" I assured him with a smile
Napangiti siya ng kaunti.
"Here. Join me for breakfast" sabi niya sabay alok sa tabi niyang upuan
Habang patungo ako doon... tinawag niya yung isang katulong para ipaghanda na kami ng almusal.
>>>>>
Matapos naming mag- almusal. Nagpaalam siyang may pupuntahan daw siya. At nagsabi naman ako sa kanya na aalis ako mamaya dahil may usapan kami ni Grace na magkikita kami ngayong sabado.
>>>
Mga alas diyes na nang makadating ako sa bahay nila Grace."Hi, baby. Kamusta? Nandito nanaman si ninang" bati ko sa may tiyan ni Grace habang hinahaplos ko ito
Halos pitong buwan narin ang dinadala ni Grace sa sinapupunan niya. At ang ama ng dinadala nito ay walang iba kundi yung pinakaiinisan (daw...) niyang kababata, si Ross Andrew Shelley.
Aakalain bang magkakaanak sila, eh para silang aso't pusa... walang araw na hindi sila nagkakabangayan.
"Hoy! Ayus-ayusin mong paglilinis mo. Ayoko nang maalikabok!" inis na sigaw niya kay Ross na nagpupunas nang mga kagamitan sa sala
*sigh* See. Ganyan sila araw-araw.
"Oo na po, mahal na señora!" sigaw pabalik ni Ross
Napatawa ako sa sa sinigaw ni Ross.
"Sabi nang huwag mo akong tatawaging señora, eh!" galit na sigaw ni Grace
Pikon na naman po ang kaibigan ko. She's always like that... pikunin at mainitin ang ulo. Naiisip ko nalang minsan na baka epekto lang ito siguro nang pagbubuntis niya.
"Tama na sa kakabusangot mo diyan. Baka mamana pa ni baby" sabi ni Ross, na nasa may pintuan na pala ng kusina... kung saan kami naroroon
"Tumigil ka nga diyan! Naiinis nanaman ako sa'yo" nakasimangot na sabi ni Grace rito
Lumapit si Ross kay Grace tsaka niya ito hinalikan sa pisngi.
Bilib rin ako kay Ross dahil nandyan parin siya para sa sis ko... sa kabila nang lahat.
"Anong pabango mo?" biglang tanong ni Grace nang humarap siya kay Ross
Patingin-tingin ako sa kanila habang naghihiwa ako ng sitaw para sa sinigang na lulutuin namin.
"I didn't use any cologne, yet. Why?" naguguluhang sabi ni Ross
"Ang bango mo" kumento ni Grace rito
"What?" hindi makapaniwalang sabi niya tsaka inamoy ang kili-kili niya at damit niya na pawisan
"Hindi kaya---Huwag mong sabihing aamuyin mo nanaman ako?" sabi ni Ross habang napapaatras
"Hindi mo ba kami pagbibigyan ni baby?" sabi ni Grace tsaka ito nag-pout
Pinipigilan ko ang tawang gusto nang kumawala.
"Grace naman. Ang baho ko. Maawa ka naman kay baby"
"Eh... yon gusto namin. Sige na" pagpupumilit ni Grace
"But, you two we're cooking" sabi ni Ross sabay turo sa lamesa kung saan yung mga lulutuin namin
Napatingin si Grace sa akin...
"Sis, pwede bang ikaw na muna magluto? Please?" pakiusap ni Grace sa akin
"Sige" nakangiting sagot ko
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.