Zayn's POV
Gaya ng kinagawian, magkahiwalay kami ng tinulugan ni Sofia. Yun nga lang sa may sahig ako natulog.
Ayaw pa sana niya kagabi... pinipilit niya akong sa kama nalang matulog at siya nalang sa sahig. Ofcourse, I didn't let her. What kind of a man or a husband I am when I let her?
"Good morning po. Saan po ang banyo niyo dito?" tanong ko nang makalapit ako sa ina ni Sofia sa may kusina, dala ang mga damit at towel ko
Hindi pa kasi gising si Sofia... Mukhang napagod kahapon kakaasikaso sa akin.
"Doon, iho" sabay turo niya sa may labas kung nasaan ang banyo nila
"Sige po, salamat" pasalamat ko at akmang tutungo na sana doon...
"Teka lang iho at magpapa-init lang muna ako ng tubig"
"Huwag na po, salamat nalang po" tanggi ko at nagtungo na ako doon para maligo
>>>
Nang maka-igib na ako ng tubig... naligo narin ako agad."Hooo!" sigaw ko dahil hindi ko inaasahang sobrang lamig pala ng tubig
Matapos kong makaligo at makapagpalit... nanginginig akong nagtungo sa loob ng bahay.
"Zayn! Halika muna dito, magkape ka na muna"
Napalingon naman ako kay Sofia na nandoon na pala sa may kusina.
Nagtungo naman ako doon at naupo sa tabi niya.
"Ba't ka nanginginig?" tanong niya habang ipinagtitimpla ako
"A-ang la-lamig p-ala ng tu-big dito" nahihirapang kong sabi
Ang lamig.
Sana kasi pumayag nalang ako kanina sa sinabi ng ina ni Sofia.
"Ha? Ba't hindi ka kasi nagpainit ng tubig?"
"A-ka-la ko k-asi kaya ko y-yung lamig nung tubig" sagot ko
>>>>>>>>>>
Sofia's POV
Matapos akong makaligo at makapagpalit na rin kanina...
Nagtungo na kami ni Zayn patungo sa may kubo di kalayuan sa bahay. Dito kasi napagpasiyahan nina tay at nay na maghanda para sa konting salo-salo namin.
Napatingin ako kay Zayn... mabuti nalang hindi na siya nanginginig ngayon.Nang makadating kami doon kasalukuyan na silang nagluluto.
"Iha, ipakilala mo naman kami sa gwapong mong kasama" sabi ng isa naming kamag-anak
Oo nga pala. Hindi ko pa siya naipapakilala sa ibang kamag-anak namin.
"Si Zayn po pala, asawa ko. Zayn, mga kamag anak ko" sabi ko
"Nag-asawa ka na pala iha. Ba't hindi namin nabalitaan?" tanong ng isang kamag-anak nanaman namin
"Pasensya na po kayo" hinging paumanhin ko nalang dahil hindi ko sila naimbitahan noon>>>
Zayn's POVNakaupo lang ako dito sa may ilalim ng puno habang pinagmamasdan ko sila Sofia na nagluluto. Hindi kasi nila ako hinayaang tumulong.
"Gusto mong sumama, iho? Pupunta kami sa gubat mangangahoy" tanong ng ama ni Sofia
"Sige po" sagot ko
Kaysa maiwan ako dito na walang ginagawa.
"Sige, tara na" sabi niya kaya tumayo na ako
"Anak! Isasama ko na muna si Zayn, para mangahoy!" sigaw niya kay Sofia
"Sige po!" sigaw pabalik ni Sofia
"Iho! Wala bang kiss ang pamangkin namin!?"
Napaiwas ako ng tingin kay Sofia dahil sa sinabi ng isang kamag-anak nila. Sakto namang sa direksyon na 'yon, nandoon yung lolo niya... na nakatingin sa akin na hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Napalunok ako.
I need to prove to him that I have no intention to hurt his granddaughter. So, I immediately went to Sofia... and kiss her right cheek.
"Aalis na muna kami Sofia" sabi ko pagkatapos
"Yiieh!!! Ang sweet!" rinig kong tuksong sabi ng mga kamag-anak niya
"Uhm... sige, mag-iingat kayo" she said while blushing and looking at the other direction
"Mamaya na 'yan mga anak! Tara na Zayn!" rinig kong sigaw ng ama ni Sofia, kaya nagmadali na akong bumalik
•••••
Sofia's POV
Matapos nang paghalik ni Zayn sa pisngi ko... pakiramdam ko lumilipad parin ako kahit na medyo matagal na silang umalis."Anak, tulala ka na diyan... Namimiss mo na ba agad ang asawa mo?" biro ni nay
"Nay naman" sabi ko nalang habang tinatago ang ngiti ko
"Asus 'tong batang toh" naiiling na sabi ni nay
Masama bang kiligin?
Kasi naman si Zayn! Ang lakas ng epekto sa akin.
"Sikat ba yung asawa mo iha? Para kasing nakita ko na siya minsan sa tv" sabi ng isa kong tiya
"Hindi po, may mga negosyo po kasi sila kaya siguro napanood niyo siya minsan sa tv" sagot ko nalang
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi na nagtanong muli ang tiya ko o ang iba ko pang mga kamag-anak.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Zayn's POV
"Magkita nalang tayo mamaya dito Zayn. Alam mo naman siguro kung paano mangahoy?"
"Opo, alam ko po" sagot ko dahil minsan narin akong nangahoy noong bata ako, nung nag-camping kami
"Ito" sabay abot niya sa akin ng itak... na agad ko namang kinuha.
"Eto ang palatandaan kung sakaling hindi mo matandaan" paalala niya sabay may iniukit sa kahoy
>>>>>
Matapos ang ilang sandaling paglilibot dito sa gubat, nakakuha narin ako ng mga kahoy.Naglakad pa ako paakyat ng bundok... baka kasi mas marami pang kahoy doon.
Habang papaakyat ako... may napansin ako...
Bahay ba yun?I'm too curious about it... So, I walk faster towards it.
Nang makadating ako doon...I froze upon seeing that house.
Bakit ako napunta dito?
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Novela JuvenilTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.