Chapter 15.2

8.9K 146 2
                                    

Sofia's POV

I feel relieve nang makadating kami sa bahay.

Kanina kasi pakiramdam ko mamatay na ako dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Zayn sa kotse. Parang pakiramdam ko kanina lumilipad na yung sinasakyan namin... mabuti nalang walang masyadong sasakyan sa dinaanan namin.

Tahimik kami nang makapasok na kami sa loob ng bahay.

Nagtungo nalang ako sa kwarto para makapagpalit na ng damit.

Kasalukuyan akong nagpapalit ng damit pambahay nang bigla akong makarinig ng mga kalabog sa labas ng kwarto...

Agad kong binilisan ang pagpalit at lumabas na ng kwarto.

Nagulat ako sa naabutan ko... si Zayn, nagwawala.

"Arrgh!!! Fuck you bastard! Damn you!" sigaw niya sabay pinagbabasag ang mga gamit sa sala

Habang ako... napako na ata sa kinakatayuan ko.

Ngayon lang ako nakasaksi ng ganito kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Wala pa naman akong kasama ngayon. Maaga kasing umuwi si Nancy kanina.

Huminto siya makaraan nang mabasag niya karamihan ang mga gamit sa sala. Akala ko tuluyan na siyang huminto...

"Zayn!!!" pigil ko sa kanya nang susuntukin niya yung pader

Pero tinuloy niya parin sanhi para magdugo ang kanang kamay niya.

Nataranta ako sa dugong nakita ko. Agad akong nagtungo kung nasaan ang medicine cabinet at nanginginig kamay na kinuha yung first aid kit.

Agad rin akong nagtungo sa kanya matapos.

Akmang hahawakan ko ang kamay niya pero iniiwas niya ito.

"Zayn, please... gagamutin ko lang ang kamay mo" sabi ko

"Ako na, ilagay mo nalang sa mesa" mababang boses na sabi niya habang nakatingin siya sa sahig

"Zayn---"

"I said, ako na" pagputol niya sa anumang sasabihin ko

Bakit ba ayaw niya? Hindi ko siya pwedeng pabayaan nalang ng ganyan.

"Pero---" pagtutol ko sana

"Don't you understand what I clearly said!? Ako na... Leave me alone!!" sigaw niya sabay matalim na tingin sa akin

Nagulat, natakot at natahimik ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw.

Zayn's POV

Arrgh! Damn Zayn! It's Sofia!

"I'm s-sorry" I said looking on other direction

"P-please, hayaan mo akong linisan ang sugat mo" sabi niya

Naupo ako at ganon din siya... sa tabi ko. Tsaka niya kinuha ang kamay kong duguan...

Nakatingin lang ako sa kanya habang linilinisan niya ang sugat ko. Pero 'pag tumitingin siya sa akin... panaka-naka, ibinabaling ko sa kamay ko ang tingin ko.

Ang sakit pero mas masakit 'yung maalala lahat ng masasakit na nakaraan ko.

Matapos niyang malinisan ang sugat ko at malagyan ng bandage...

"Salamat, Sofia" pasalamat ko

"Zayn kung may problema, nandito lang ako" nakangiting sabi niya tsaka niya hinawakan ang kabila kong kamay

"Handang makinig" nakangiting pagpapatuloy niya

Ngumiti nalang ako ng kaunti sa kanya, dahil hindi ko kayang mag-open up sa karamihan... minsan ko lang din masabi kay La ang mga problema ko.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon