Sofia's POV
"Ma'am akin na po 'yang bag mo at ako na pong magdadala sa kwarto niyo" sabi ng isang katulong, pagkapasok ko sa mansyon
"Huwag na, ako nalang. Salamat nalang" sabi ko rito dahil magaan lang naman itong bag ko
"Manang, wala pa po ba si Zayn?" baling ko kay manang Cecil
Kahapon, nang lumipat kami dito sa mansyon... Matapos naming ihatid si granma sa airport.
Bilin kasi ni granma na dito muna kami manirahan habang nasa amerika pa siya.
Naawa naman ako kay Nancy nang tanggalin siya ni Zayn sa trabaho. Madami na daw kasing katulong sa mansyon kaya hindi siya pumayag sa suhestyon kong kunin siyang katulong dito sa mansyon.
Pero inirekomenda naman daw niya ito sa isang business partner nila... Sanhi para mapanatag ang kalooban ko.
"Wala pa po ma'am" sagot ni manang Cecil
"Ay... ganun po ba. Sige po, aakyat na muna ako para makapagpalit" sabi ko nalang sa kanya
"Sige po ma'am" nakangiting sabi ni manang Cecil bago ako naglakad patungo sa elevator ng mansyon
Hanggang ngayon namamangha parin ako dito sa mansyon ni granma... Tatlong palapag ito, tapos may elevator pa dito na aakalain mong establishimento ito.
Pagkarating ko sa loob ng elevator, at pagkasara nito... agad kong pinindot ang no. 3 button nito.
>>>>>
Naligo ako ng sandali atsaka nagpalit ng damit.
Nang matapos kong masuklay ang buhok ko... Nagtungo ako sa may balcony ng kwarto ko.
Tig-isa kami ng kwarto ni Zayn. Halata sa mga mukha ng mga katulong ang pagtataka pero wala kahit ni isa sa kanila ang nagtangkang magtanong.
*sigh* Ang ganda ng tanawin mula dito sa itaas. Nakakagaan ng pakiramdam mula sa maghapong pagtatrabaho.
Napapikit ako ng mga mata ko nang biglang umihip ng malakas ang hangin.
*message alert tone*
Napamulat ako ulit nang marinig ko ang tunog na 'yon...
Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ng pajama ko at agad binasa ang message...
From: Zayn
Sorry, hindi kita masusundo Sofia. May pupuntahan ako. Mauna ka nang kumain baka kasi gabihin na akong umuwi.-
Saan naman kaya siya pupunta?
Gabi na pero may pupuntahan pa siya? Hindi pa ba siya pagod?To: Zayn
Anong oras ka uuwi?-
*message not sent*
Anubayan. Hindi pala ako nakapagload.
Sinubukan kong umutang ng load sa isang network... at binigyan naman nila ako ng tatlong pangtext. Kaya sinubukan ko ulit i-send yung message ko para kay Zayn...
*Sent*
Ilang minuto ko ring hinintay ang reply niya...
*message alert tone*
Agad ko ulit binuksan yung message...
From: Zayn
Maybe, between 10 to 11. Huwag mo na akong hintayin... maaga ka pa bukas.-
May pasok rin naman siya bukas a...
To: Zayn
May pasok ka rin naman bukas. -
*sent*
Ilang minuto kong hinintay kung may reply siya pero wala akong nahintay.
Hanggang sa napagpasyahan ko nang bumaba na para kumain...
>>>>>
Matapos kong kumain... Bumalik na ako sa kwarto ko at nagtungo sa may washroom para magtoothbrush.
Nahiga na ako sa kama, matapos.
Pabaling-baling ako sa kama dahil hindi ko mahanap ang tamang posisyon para makatulog na ako.
Napamulat ako ng mata at napagpasyahan kong pumunta sa may balcony...
Napatingin ako sa kalangitan...
May nakita akong nakalinyang tatlong bituin.
Sabi sa isang pelikulang napanood ko... pagpinagdugtong mo raw ang tatlong bituin na nakalinya at nagwish ka rito ng kahit na ano para sa love o crush mo... matutupad raw ito.
Subukan ko kayang mag-wish?
Natawa ako sa naisip ko... Pero malay mo naman totoo at wala namang mawawala kung susubukan ko.
Kaya ginaya ko yung napanood ko tsaka ako pumikit.
Sana maging first kiss ko si Zayn.
Napangiti ako sa hiling ko. Tsaka ako napamulat ng mata.
"Hi. What are you doing?"
Napawi ang ngiti ko at napalunok dahil sa taong kaharap ko...
Si Zayn.
Kanina pa ba siya?
Nakakahiya.
"Ahm... Nagwiwish lang" sagot ko tsaka ko napansin ang suot niya
Naka puting Tshirt at faded jeans na siya, mula sa corporate attire niya kaninang papasok siya sa opisina...
Saan kaya siya pumunta?
"Pwede bang malaman kung ano ang wish mo?" nakangiting tanong niya
"Sana maging... first kiss ko yung... crush ko" sagot ko
"And who's your crush?" nanliliit matang tanong niya
Sometimes, being honest and showing your affection towards him, will make an improvement in your relationship. Naaalala kong payo sa akin ni Grace. Kaya imbes na magsinungaling ako...
"I-Ikaw" nahihiyang sabi ko bago ako napatingin sa may sahig dahil hindi ko siya makuhang tignan
Ano kayang iniisip niya? Baka naman ma-turn off na siya lalo... huwag sana.
Napaangat ako ng tingin para tignan siya...
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Mali nga ata ako ng sinabi...
"I---"
O_O
*smack*
"Wish granted. Good night, Sofia" sabi niya bago siya mabilis na lumabas at iniwan akong tulala
Nang mahimasmasan ako... Napatingin ako sa may pinto bago ako napakagat sa labi ko...
1 second kiss.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Teen FictionTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.