Zayn's POV
"So, pupunta dito yung may-ari kay Case mamaya?" tanong ko kay Sofia habang nagbrebreakfast kami"Oo, para kunin siya" sagot niya
Napatango nalang ako.
Ano ba naman toh... Ang dami ko na ngang problema sa kumpanya at sa pang personal kong buhay. Proproblemahin ko pa yata itong magulong nararamdaman ko para sa kanya...
"By the way Zayn, iniimbitahan tayo ni Ivan sa sabado para sa birthday party ni Riou"
"Sinong Riou?" nakakunot noong tanong ko
Anak kaya ng Ivan na 'yon?
"Si Case. Riou kasi ang tunay niyang pangalan. Makakapunta ba tayo?" paliwanag naman niya
Akala ko naman anak niya...
Sabado?
"Hindi ko pa alam Sofia... busy kasi kami ngayon sa kumpanya. Pero, ikaw kung gusto mong pumunta... okay lang naman" kibit balikat kong sagot tsaka ipinagpatuloy ang pagkain ko
Honestly, ayoko siyang pumunta doon. But, I'm being unfair if pagbabawalan ko siyang pumunta... nang hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko.
"Kung hindi ka pupunta hindi narin ako pupunta"
Napahinto ako sa sinabi niya...
"Sofia, birthday ni Case 'yon. At katapat lang naman ng bahay natin ang bahay nila" pagkumbinsi ko sa kanya
I felt guilt na hindi siya pupunta ng dahil lang sa akin.
"Walang magbabantay sa bahay, Zayn" pagdadahilan niya
"May lock yung pinto, Sofia" natatawang sagot ko
Hindi siya nakaimik sa sagot ko.
"Okay... ganito nalang, susunduin kita sa bahay nila 'pag nakauwi na ako. Ano?" suhestyon ko
"O-kay, sige" pagsang-ayon naman niya
>>>>>
Matapos naming kumain, lumabas na ako ng bahay para pumunta na sa may garahe nang may mapansin akong isang unfamiliar na lalake sa may gate. Kaya pinuntahan ko ito.
"Good morning. Nandyan ba si Sofia?" tanong niya
"Good morning din. Anong kailangan mo sa asawa ko?" tanong ko rito
Napansin kong bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.
Tss... Ano naman kayang nakakagulat sa sinabi ko?
"Ikaw pala si Zayn Jenares. Anyway, I'm Ivan Suarez. Gusto ko lang sanang sunduin si Riou"
Siya pala yung tinutukoy ni Sofia. Sa tingin ko sa kanya hindi siya katiwa-tiwalang tao.
"Sandali lang at tatawagin ko siya" sabi ko tsaka bumalik sa bahay para sabihan si Sofia na may bisita siya
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Pagdating ko sa opisina. Hindi ko masimulan ng maayos ang mga trabaho ko. Kaya pinatawag ko si Nick."Good morning, sir" bati niya
"Good morning din, Mr. Peña" ganting bati ko
"Pwede bang paki-imbistigahan ang lalakeng nagngangalang Mark Ivan Suarez""Masusunod po sir"
"I need that before this afternoon. That's it, you may go" pagdidismiss ko
>>>
"Mark Ivan Suarez, 23 years old at isang call center agent. Pansamantala lang po siyang naninirahan dito pero babalik din daw po siya sa Japan dahil sa negosyo niya doon. Pansamantala niyang iniwan ito dahil sa ama niyang may sakit dito sa Pilipinas, sir" inform ni Nick
Mabuti naman at aalis din siya. Hindi kasi ako mapalagay na lumalapit siya sa asawa... I mean, kay Sofia.
BINABASA MO ANG
Seducing My Nerdy Husband (Completed)
Novela JuvenilTunghayan ang istorya ng isang dalaga at ang lihim na nakaraan ng isang nerd guy.