Chapter 40

7.8K 139 4
                                    

Zayn's POV

"I don't celebrate my birthday, Sofia. This day, reminds me of my stupidity to trust someone, too much...And that mistake cost the lives of my parents"

  "Kaarawan ko noon pero sina dad at mom ay wala sa Pilipinas dahil may business trip ang mga ito sa ibang bansa, the next day pa daw sila uuwi dahil may inaasikaso pa sila doon. Unang pagkakataon sa kaarawan ko na wala sila sa bahay... That day, I felt unimportant for them... Mas may time pa kasi sila para sa negosyo namin. Although, I understand them at some point... they just making sure for our family's welfare"

  "But I don't like to have a party when they are not around... So, I told La to cancel the party. Then, nagkataon naman na may pupuntahan daw si tito Benjin. That time, hindi alam ni dad na sobra kaming magkasundo... nagkakasundo kami sa karamihang bagay. He is like my second father to me, that time."

"My dad always telling me not to trust him. But, I disobey him. He never told me why I shouldn't... Palagi niya lang sinasagot sa akin na, "He is a bad influence for you.". Iba siya kung makitungo sa akin kaya nakagaanan ko siya ng loob."

  "Nagpumilit akong sumama kay tito Benjin sa pupuntahan niya. Pumayag siya at nagpaalam ako kay La... Ni hindi na ako nag-abalang tawagan ang mga magulang ko dahil alam kong hindi nila ako papayagan...lalo na si dad."

"We went to Ilocos. Sinalubong kami ng sampung lalake na ipinakilala ni tito Benjin na mga kaibigan niya. Namasyal kami sa iba't ibang lugar. Tumawag si dad kay tito ng mga tanghali na... Hindi ko narinig ang pinag-usapan nila dahil lumayo ito noon mula sa akin. Hapon nang matapos kami mamasyal sa bayan, pumunta kami sa sinasabi ni tito na pansamantala naming tutuluyan."

"Pagdating namin doon... Laking gulat ko dahil nandoon sina mom at dad kasama ang isang matandang babae na tinawag nung isang kaibigan ni tito na manang Selia"

"S-selia?" napatulalang sambit ni Sofia

"Do you know her?" tanong ko dahil parang kilala niya ito

"May kilala kasi akong kapangalan niya. Sorry" hinging paumanhin niya

Nagkibit balikat lang ako sa sagot niya bago ko ulit ipinagpatuloy ang pagkukwento.

"Kaya pala nandoon sina dad ay dahil susunduin daw nila ako. Galit na galit si dad noon... Halos hilahin ako ni dad papasok sa kotse na sinakyan nila papunta doon. Nang maipasok niya ako sa sasakyan... Nagkasagutan sila ni tito Benjin. Tinangkang umawat nung manang Selia... Pero may binunot si tito Benjin sa may tagiliran niya"

"Then, in just a click... Manang Selia fell. Doon ko napatunayan na tama si dad"

"Pagkatapos ay sumugod yung anim na mga kaibigan ni tito, kay dad... para bugbugin siya. May humila naman kay mom papasok sa bahay." 

"Lumabas ako ng kotse para pigilan yung mga kaibigan ni tito. Pero agad akong hinarang ni tito Benjin. Binuhat niya ako. Nagpumiglas ako mula sa kanya at sinasabihan siyang ibaba ako, pero hindi niya ako pinakinggan."

  "Ikinulong niya kami sa isang kwarto. Doon niya binaboy si mom... sa harap ko at ni dad."

"Pagkatapos ay sumakay kami sa kotse na sinakyan ng mga magulang ko papunta doon. Huminto sila sa may harap ng malalim na bangin. Lumabas sila. Inakala kong papabayaan na nila kami doon"

"Ginising ko sila mom at dad... Nagising sila pero hinang hina sila dahil sa mga tinamo nilang pasa at sugat..." hindi ko napigilang maiyak nang maalala ko ang nakakaawang kalagayan ng mga magulang ko noon

Naramdaman kong hinawakan ni Sofia yung kamay ko. Nagsilbi itong lakas para magpatuloy ako sa pagkukwento...

"Pinipilit ni dad gumalaw samantalang si mom ay pinipilit niyang magsalita pero hindi nila magawa dahil sa hinang hina sila"

"Biglang bumukas yung pinto ng kotse at pilit akong kinuha ni Benjin...naiwan sa loob ng sasakyan yung mga magulang ko. Nang makalabas kami may nagtulak ng kotse papunta sa bangin. Pinigilan ko sila...  pero walang nagawa yung bawat iyak at pagmamakaawa kong salita. Nakakainis lang isipin na wala akong nagawa para tulungan sila"

"Hindi ba ito alam ni granma?" tanong ni Sofia

  "No. She never knew anything about it. Hindi ko sinabi sa kanya dahil pinagbantaan ako ni Benjin na papatayin niya kami ni La. Ang alam lang niya ay na-aksidente ang mga ito. Pati autopsy kasi dapat ng mga magulang ko, pinigilan ni Benjin" sagot ko

"Sana wala kang pagsasabihan nito Sofia" hiling ko rito

"Oo, naiintindihan ko. Salamat, dahil kahit papaano ay ibinahagi mo sa akin ang isang parte ng iyong nakaraan. Pero... sana huwag mong sisihin ang sarili mo... bata ka pa noon"

"Tama ka, bata pa nga ako noon. Pero ngayong matanda na ako sisiguraduhin kong sisingilin ko siya ng doble doble. Ipapadanas ko sa kanya ng triple yung sakit" madiin na sabi ko dahil sa galit na nananalaytay ngayon sa akin

"Zayn, huwag mong hayaang lamunin ka ng galit"

  I expected that she will say those words. But no one can stop me.

"Hindi mo kasi naranasan yung mawalan ng minamahal sa buhay sa hindi makatarungang paraan, kaya madali lang sa inyo na magsalita ng -----"

"Nagkakamali ka dahil nawalan rin kami... Nawala siya nang hindi namin nalalaman ang buo at totoong dahilan.  At ngayon ko lang nalaman ang dahilan. Nawala din siya sa araw ng pagkawala ng mga magulang mo. Lola ko yung walang awang binaril ng tito mo, yung nagngangalang manang Selia"

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon