Chapter 10

10.4K 176 1
                                    

Zayn's POV

Pagdating namin sa bahay... naabutan namin si Green.

Anong ginagawa niya dito?

"Ma'am, sir" bati niya sa amin

"O. Green... Ba't nandito ka?" tanong ko agad

"Pinagbantay po muna ako ni madam dito, sir, aalis rin po ako. Nga po pala sir, naisampay na ni manang Piling yung mga damit niyo, doon" tsaka niya itinuro kung saan ang tinutukoy niya

Naglaba rin pala si manang Piling... siguro, inutusan siya ni La.

Napatingin ako sa paligid tsaka ko siya tinignan ulit at tinanong...

"May dala ka bang sasakyan?" tanong ko

"Wala po sir, magko-commute nalang po ako" sagot naman niya

Inilabas ko yung wallet ko mula sa bulsa ko at kumuha ako ng pera...

"Here" sabay abot ko sa kanya

"Thank you po sir, sige po alis na po ako" paalam niya

"Sige, salamat. Pakisabi narin kay manang, salamat"

"Makakarating po. Sige po sir, ma'am" paalam niya

Pagka-alis niya, pumasok narin kami ni Sofia sa loob ng bahay.

>>>>>

"Give him to me(tukoy ko sa aso) and go change your clothes" sabi ko

Agad naman niyang ibinigay sa akin yung aso.

Pagkarga ko rito... agad niya akong dinilaan sa mukha.

-.-

"He likes you Zayn" natatawang sabi ni Sofia

"I think so" sabi ko naman habang inaayos ko ang eyeglass ko at iniiwas ko ang mukha ko para hindi na niya madilaan

"Now, go Sofia. I ca-n't han-dle him anymo-re" nahihirapang sabi ko dahil sa pag-iwas ko

"Okay" natatawang sabi niya tsaka patakbong nagtungo sa kwarto

Damn! My face feels sticky... I need to shower after this.

Sofia's POV

Pagkapalit ko ng damit ko... agad na akong lumabas at nagtungo na sa sala, kung nasaan sila Zayn.

"Hey! Stop it!" pigil niya sa aso

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya tinitigilan nito.

Natatawang lumapit ako sa kanila at agad kinuha yung aso mula sa kanya.

"*sigh* Thanks" pasalamat niya

Umupo ako sa tabi niya at kinandong ko yung aso.

"Dito muna kayo Sofia, maliligo lang muna ako" paalam niya

"Sige" sabi ko habang nakangiti

Tsaka na siya tumayo at nagtungo na sa kwarto.

Habang hinihintay namin siya, binuksan ko na muna yung tv.

Hinahaplos-haplos ko yung aso habang nanonood.

>>>>>

Zayn's POV

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, nagtungo na ako agad kina Sofia.

"Maligayang pagbabalik Mr. Devila!"

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon