Chapter 20.3

7K 139 1
                                    

Zayn's POV

Maggagabi na nang makauwi kami nina Sofia galing sa pamamasyal.

"Sorry po pero, hindi po ako umiinom" tanggi ko nang anyayahan ako ng lolo ni Sofia, na makipag-inuman

"Ay, ganun ba... Halika nalang doon at makipagkwentuhan sa amin" sabi niya kaya pumayag na ako

Kwentuhan lang naman daw.


>>>

Naabutan namin yung tatay ni Sofia, tito ni Sofia at ng tatlong iba pang mga lalake. Nagpakilala yung tatlo na mga pinsan ni Sofia.

"Iinom ka Zayn?" tanong ng tatay ni Sofia

"Hindi po" agad kong sagot

"Inimbitahan ko lang siya dito para makipagkwentuhan kaysa maiwan siya doon... mag-isang lalake" paliwanag ng lolo ni Sofia


"Iho, ano nga palang pangalan mo? Kinakausap na kita pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo" sabi ng lolo ni Sofia tsaka tumunga ng isang shot

"Zayn Jenares po" sagot ko

"Buong pangalan mo ba 'yan iho?" tanong ulit niya

"Uhm... Keaton Zayn Jenares po"
Napatango naman siya

"Anong trabaho mo?" tanong niya ulit

"Sa ngayon po tinutulungan ko ang lola kong patakbuhin ang kumpanya namin" sagot ko

"Ang mga magulang mo?" tanong niya ulit


Sasagot na sana ako nang...

"Tatang, sabi mo makikipagkwentuhan siya sa atin?" saway ng tatay ni Sofia

Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil sinagip niya ako sa mga tanong.

"Nagtatanong lang naman. Atsaka hindi mo'ko masisisi , apo ko yun... gusto kong maging maayos at masaya siya"

"Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko po siya" sabi ko

I mean what I said.

"Hindi sapat sa akin ang katagang 'yan iho. Ang gusto kong marinig ay ang mahal mo ang apo ko"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Dahil hindi ko pa naman mahal si Sofia...


"Alam ko ang ginawang katarantaduhan ng anak ko. At hindi kita masisisi kung pinag-iisipan mo ng masama ang apo ko, pero ako na ang magsasabi sa'yo... mabuti ang kalooban ng apo ko, kaya huwag mo sana siyang sasaktan o pag-iisipan ng masama, iho"

"Opo, naiintindihan ko po" tanging naisagot ko

Sa sandaling panahon naming magkasama ni Sofia... Unti-unti kong nakikita kung gaano siya kabuting tao.

But still, I don't know if I can trust her.

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon