Chapter 44.1

7.2K 110 0
                                    

After two years of their marriage.

Sofia's POV

      "Dada" bigkas nang anak ni Grace

  "Wow, sis! Nakakabigkas na ang anak mo" nakangiti kong kumento, pero parang hindi nasiyahan si Grace

"Momma dapat ang unang sinabi mo hindi Dada. Haisst... yung Ross na 'yon" naiinis na sabi ni Grace

   Nag-away nanaman kasi sila ni Ross. Kaya nandito siya sa mansion.

  Okay na sila Grace at Zayn, makasundo na sila. Kaya welcome na welcome si Grace pumunta dito sa tuwing may tampuhan o away sila ni Ross.

"Anak, tikman mo nga kung okay na itong linuto kong pansit" sabi ni tay na dala ang isang maliit na mangkok, at tinidor.

  Nandito rin sila tay, nay, lolo at si grandpa Tux... yung ama ni nay. Napatawad na ni nay si grandpa nung last year.

    New years eve ngayon kaya nandito sila para dito naman mag-celebrate. Last year kasi nagcelebrate kami ng bagong taon doon sa mansion ni grandpa.

  Tinikman ko ito...

"Okay na po 'yan, tay." sabi ko matapos kong matikman ito

"Okay? *sigh* Kung sabagay mas masarap yung luto ni Zayn. Ba't nga pala wala pa siya? Siya dapat ang magluluto eh"

"Hindi po siya makakapag-celebrate dito... May pinuntahan po kasi siyang importante daw po para sa business"

  Yun ang paalam niya kaninang umaga.

"Grabe naman sa sipag ang asawa mo, anak. Baka babae na pinagkakaabalahan niyan" kumento ni tay

"Hindi naman po. Marami lang po talaga siyang trabaho ngayon" sabi ko dahil may tiwala naman ako sa kanya

   Gusto ko siyang makasama pero naiintindihan ko naman yung sitwasyon niya.

"Sana nga hindi anak... Huwag lang siyang magkakamali. Maiwan ko na muna kayo anak, pupunta na ulit ako sa kusina para tulungan ang nay mo anak"

"Okay po" sabi ko

   I sigh.

     Sa dalawang taon naming pagsasama... Mas naramdaman ko ang pagiging kaibigan niya sa akin kaysa sa pagiging asawa.

  Almost everyday, I've tried my best to seduce him through the help of the book that Grace gave me. But, I always felt rejected.

   Hindi ko maramdamang kaakit-akit ako sa paningin niya.

  Ano bang mali sa akin????? Mabuti naman akong babae. Maputi naman ako, makinis, maganda, sexy..., hindi kalakihan yung hinaharap ko pero hindi din naman maliit. Gusto niya bang maghubad ako sa harap niya? Pero sa tingin ko hindi yun e-epekto sa kanya.


    I am so desperate. I want him to love me back. But, why I can't have that?
 

 

Seducing My Nerdy Husband (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon